GMA Logo 2 Valid IDs actress Pokwang
Photo by: Screenshot from 24 Oras
What's Hot

Pokwang, natutuwa na maraming naka-relate sa makatotohanang kuwento ng '2 Valid IDs'

By Aimee Anoc
Published August 13, 2026 3:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Alas Pilipinas U17 Girls relegated to classification round after loss to Korea
NGO equips incoming SK leaders to drive solutions for children and young people
Daig Kayo Ng Lola: May manliligaw ka bang makulit? |Teaser Ep

Article Inside Page


Showbiz News

2 Valid IDs actress Pokwang


Pokwang sa Cinemalaya film na '2 Valid IDs': "Sana makatulong po talaga itong pelikulang ito para mabago na 'yung sistema, lalong-lalo na para roon sa ating maliliit na kababayan."

Natutuwa at ipinagpapasalamat ni Pokwang ang magagandang reviews at sold-out screenings ng kanyang Cinemalaya film na 2 Valid IDs.

Sa report ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras, sinabing marami ang naka-relate at naantig sa kuwento ng ginagampanang karakter ni Pokwang na si Sylvia.

Tampok sa 2 Valid IDs ang kuwento ni Sylvia, isang magsasaka na nahihirapang makuha sa remittance center ang perang ipinadala ng kanyang kamag-anak para sa pagpapagamot ng asawang may severe chronic obstructive pulmonary disease (COPD). Ito ay dahil kinakailangan niyang magpakita ng dalawang valid government ID, mga dokumentong wala siyang maiprisinta.

"Natutuwa naman ako kasi bukod sa maganda 'yung proyekto, makatotohanan, maraming naka-relate, mayroon tayong mga nagising," sabi ni Pokwang.

"Thank you. Sana makatulong po talaga itong pelikulang ito para mabago na 'yung sistema, lalong-lalo na para roon sa ating maliliit na kababayan," dagdag niya.

Sa naganap na gala screening ng pelikula noong Lunes (August 10) sa Shangri-La Plaza na dinaluhan ng aktres, nakatanggap siya ng pagbati at bulaklak mula kay Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

Kasama ni Pokwang sa 2 Valid IDs sina Meryll Soriano, Joey Marquez, at Zaijian Jaranilla. Ito ay idinirehe ni Ma-an Asuncion-Dagñalan at isinulat ni Abet Pagdagdagan Raz.

Related gallery: Ruru Madrid, Pokwang, at iba pang Kapuso stars na bibida sa Cinemalaya
2026