GMA Logo Pokwang
What's Hot

Pokwang, paano nga ba napadpad sa entertainment industry?

By EJ Chua
Published August 13, 2021 11:41 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DPWH cancels opening of Davao City road project
Lee Victor, Iñigo Jose express admiration for Caprice Cayetano: 'She's like an angel'
BTS's Jin brings cocktail collab into the spotlight at fan event

Article Inside Page


Showbiz News

Pokwang


Ikinuwento ni Pokwang sa 'Tunay na Buhay' ang kanyang nakaka-inspire na istorya at kung paano nga ba siya nagsimula sa entertainment industry.

Ibinahagi ni Marietta Subong-O'Brian o mas kilala bilang Pokwang ang istorya ng kanyang buhay, mula pagkabata hanggang sa pagpasok niya sa showbiz.

Kahapon, August 12, si Pokwang ang guest sa Tunay Na Buhay. Ikinuwento ng Kapuso actress-comedian ang kanyang mabibigat na karanasan bago makilala bilang isang mahusay na komedyante sa showbiz.

Pang-siyam sa labing dalawang magkakapatid si Pokwang. Ilang beses din siyang huminto sa pag-aaral.

“Elementary kami, [nag-abot abot] kami, kailangang huminto muna para mapagbigyan 'yung bata. Tapos, balik ulit sa school,” sabi niya.

Kung ang ibang bata noon ay masaya at malayang naglalaro, si Pokwang naman ay maagang namulat sa realidad ng buhay.

Bata pa lamang ay naranasan na niya ang maglako ng sari-saring paninda sa kalsada ng Antipolo.

Pagtungtong naman ng high school, namasukan si Pokwang bilang isang kasambahay.

Kuwento niya, “Nung high school ako, namasukan ako bilang kasambahay, wala akong sweldo pero pag-aaralin ako nung amo ko. Kasi 'yung amo ko teacher sa Rizal High School. [Ang] payat payat ko pero ambibigat ng trabaho.

Nung second year high school ako, nag-start na kong mag-practice pa-Japan Japan, hindi nila alam. Dumating na yung visa ko, ayaw nila kong payagan syempre iyak ng iyak 'yung nanay ko. Sabi [niya], 'Ang bata bata mo pa anong gagawin mo dun?'. Inamin ko sa kanilang hindi ko tinapos 'yung pag-aaral, kasi gusto kong makatulong agad.”

Sa kabila ng hindi pagsang-ayon ng kanyang pamilya, umalis si Pokwang sa bansa at tumuloy ito sa Japan.

Doon ay nagtrabaho si Pokwang bilang entertainer, dancer, at choreographer.

“Nung una marunong ka dapat kumanta. Kasi syempre mayroon duet songs with the guest. So, nag-aral din kami ng mga Japanese song,” kuwento niya.

Pagkaraan ng ilang taon, napadpad naman sa Abu Dhabi si Pokwang at nagtrabaho bilang isang domestic worker.

Habang nasa Abu Dhabi, namatay ang kanyang panganay na anak dahil sa isang sakit.

“Sinabi nga nila na 'yun, may tumor sa utak. Nabalitaan ko na lang na wala na, hindi niya kinaya 'yong operasyon. Kinuha siya sa amin. Napakabata pa niya para pagdaanan 'yung ganung sakit. Sabi ko, 'Lord kung talagang hanggang doon nalang, kesa nahihirapan siya. Salamat kasi pinahiram n'yo siya sa akin,'” maluha-luhang ikinuwento ni Pokwang.

Nang mamatay ang panganay na anak, malungkot ring ibinahagi ng aktres na hindi siya nakauwi noon sa Pilipinas.

“Ayaw akong payagan ng management noon na umuwi. Kasi nga 'yung kontrata ko daw kailangan kong tapusin. Kung hindi ko daw tatapusin, sagot ko daw 'yung pamasahe ko. Eh, wala nang pera, diba?.”

Matapos ang ilang buwan, nakauwi rin siya sa Pilipinas.

Isang mahiwagang pinto ang nagbukas para sa kanya na hindi niya inaasahang makapagpapabago pala sa takbo ng kanyang buhay.

“Yung nangyari sa comedy bar, nagkayayaan lang kami ng mga barkada ko, nung mga kaibigan ko tapos pumunta kami doon. Alam n'yo naman 'yung sa comedy bar 'di ba, 'pag pumasok ka doon, pagti-tripan ka ng mga host dun.

Bago ka kumanta, 'di ba ookray okrayin ka muna. Eh, lumaban ang Mamang, nakipagsabayan ako dun sa host. Pak! So, nakita ako ng manager, doon nagsimula.” kuwento niya.

Dahil may bonggang talent rin sa panggagaya o impersonation si Pokwang, nagtuluy-tuloy na ang kanyang career bilang isang comedian.

“Dahil napapaligiran ako ng mga anak-anakan ko, sabing ganun, alam mo gayahin mo si Mommy D o kaya si Annabelle Rama.

Mula sa pagpapatawa sa ilang comedy bars, matagumpay na nakatawid si Pokwang sa telebisyon at ilang pelikula.

Nagsunud-sunod din ang mga malalaking proyekto niya na naging paraan din upang mas makilala pa siya sa entertainment industry.

Pokwang

Sa kabila ng ilang adjustments dahil sa kanyang paglipat ng network, kapansin-pansin na taglay talaga ni Pokwang ang husay sa pagiging actress-comedian.

Bumida na si Pokwang sa ilang GMA shows tulad ng Magpakailanman at Wish Ko Lang.

Kasalukuyang napapanood sa GMA Network ang ilang projects ni Pokwang na buong pusong nakapagbibigay ng saya sa ating mga Kapuso.

Samantala, alamin ang fun facts about Pokwang sa gallery sa ibaba: