GMA Logo Pokwang
Photo Source: itspokwang27 (Instagram)
Celebrity Life

Pokwang, panalo ang deportation case laban kay Lee O'Brian

By Jimboy Napoles
Published December 24, 2023 7:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Metro Manila crimes down 39% in past week — NCRPO
PH fast food chain teams up with popular mobile game in new campaign for gamers
Girl falls into river; swept away by floodwaters in Davao City

Article Inside Page


Showbiz News

Pokwang


Moving forward na si Pokwang matapos manalo ang deportation case na isinampa niya laban kay Lee O'Brian.

Maituturing na Christmas gift ng actress-comedienne at host na si Pokwang ang pagkapanalo ng inihain niyang deportation case laban sa ex-partner niya na si Lee O'Brian.

Ayon sa report ng GMA News, sa ilalim ng December 12 resolution, iniutos ng Bureau of Immigration (BI) na ipa-deport si Lee dahil sa “violating the terms and conditions of his Philippines stay.”

Isinama rin ng BI si Lee sa kanilang Blacklist at kinansela ang kanyang pre-arranged employment visa, at binigyan ng Warrant of Deportation.

Noong June 2023, isinampa ni Pokwang ang deportation case laban kay Lee kasama ang kanyang aboagado na si Atty. Rafael Vicente Calinisan.

Ilan sa mga reklamo ni Pokwang kay Lee ay financial abuse, intimidation, at abandonment sa kanilang anak na si Malia.

RELATED GALLERY: Pokwang and Lee O'Brian's relationship timeline

Sa isang press statement, mas magpo-focus siya ngayon sa pagiging ina sa kanyang mga anak kasunod ng kanyang pagkapanalo.

Aniya, “Nagpapasalamat ako una sa Panginoon dahil pinakinggan niya ang aking mga dasal na magkaroon ng hustisya ang nangyari sa akin at sa aking anak. Lubos din akong nagpapasalamat sa lahat ng aking mga kaibigan at taga suporta na sinamahan ako sa bahagi na ito ng buhay ko.”

Dagdag pa niya, “Hinding-hindi ko makakalimutan ang lahat ng taong tumulong sa amin ni Malia. Ngayon, lalo kong susubukan na maging mahusay na ina at ama sa aking anak. Lalo pa akong magsisikap sa araw-araw para maitaguyod ko ang aking pamilya.”

Nagkakila sina Pokwang at Lee noong 2014 nang magkatrabaho sila sa pelikulang Edsa Woolworth. Nagsama sina Pokwang at Lee nang mahigit anim na taon kung saan nagkaroon sila ng anak na si Malia taong 2018.

Taong 2021 nang kumpirmahin ni Pokwang ang paghihiwalay nila ni Lee. Sa Fast Talk with Boy Abunda kamakailan, inamin ni Pokwang na sinubukan niya pang isalba ang relasyon nila ni Lee para sa kanilang anak.

Samantala, mapapanood naman si Pokwang sa pelikulang Becky and Badette kasama si Eugene Domingo. Ang nasabing pelikula ay isa sa 2023 Metro Manila Film Festival entries na ipapalabas sa mga sinehan simula bukas, December 25.