
Nag-celebrate si Pokwang ng kanyang kaarawan sa TiktoClock ngayong August 29.
Tampok sa episode na ito ang performance ng pretty, positive, passionate, and powerful na si Pokwang. Binansagan pang ilaw ng tahanan ng TiktoClock si Pokwang.
PHOTO SOURCE: TiktoClock
Sa birthday prod ni Pokwang ay nakasama niya sina Mister International Philippines 2024 Marvin Diamante, Mister Supranational Philippines 2024 Brandon Espiritu, and Man of the World 2024 Grand Winner Sergio Azuaga.
Pagkatapos ng kanilang performance ay nagbigay ng mensahe si Pokwang para sa kanyang pinakamamahal na programa.
Ani Pokwang, "To my TiktoClock family, paglabas ko ng bahay, kayo ang pangalawang pamilya ko."
"Marami pong salamat mula po sa ating mga bosses, sa lahat po. Thank you sa effort ninyo. Na-appreciate ko po ng bonggang bongga."
Dugtong pa niya, "Sa lahat lahat po ng bumubuo ng TiktoClock, I love you guys."
SAMANTALA, BALIKAN ANG STUNNING PHOTOS NG BIRTHDAY GIRL NA SI POKWANG: