GMA Logo Pokwang
What's on TV

Pokwang, taga-balanse ng saya at kaba sa dance stars sa 'Stars on the Floor'

By Karen Juliane Crucillo
Published June 24, 2025 11:54 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi | December 16, 2025
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Pokwang


Pokwang sa pagiging dance authority sa 'Stars on the Floor': "Ako 'yung bilang balanse para mawala 'yung nerbyos ng mga [dance stars]."

Sa gitna ng hatawan at halo ng kaba, ang dance authority na si Pokwang ang magpapagaan ng pakiramdam ng dance stars sa upcoming dance competition na Stars on the Floor.

Sa grand mediacon ng naturang show, ikinuwento ng Dance Comedienne of the Dance Floor na nakaka-relate ito sa nararamdamang kaba ng celebrity at digital dance stars dahil isa din itong performer na sumali na din sa isang contest.

“Dati rin po kasi akong kontesera. Nung bata po ako, duma-dance contest na 'ko. Ang unang tungtong ko po dito sa GMA, lumaban po ako ng dance contest sa 'Lunch Date,” sabi ni Pokwang.

Ipinaliwanag ni Pokwang na alam niya ang pakiramdam ng ninenerbyos lalo na ang mag-perform sa isang malaking stage.

"Alam ko 'yung pakiramdam na kulang na lang mawala ka sa tinatayuan mo. Ako 'yung bilang balanse para mawala 'yung nerbyos ng mga [dance stars]," dagdag ng dance authority.

Tuwing taping at rehearsal nila, nakikita din ni Pokwang kung gaano nakakapagod ang sumayaw at humataw.

Dagdag nito, "Kailangan naman natin balansehin. Tawa-tawa tayo."

Naitanong din kay Pokwang kung ano ang hinahanap niya sa mga dance stars bilang kasama sa dance authority.

Binanggit nito na importante para sa kaniya na makita nito ang determinasyon ng bawat isa lalo na "yung hindi sila talaga matatakot harapin kung ano 'yung mga ibibigay sa kanila na genre.”

Makakasama ni Pokwang sa dance authority panel sina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at Dance Trend Master Coach Jay. Si Asia's Multimedia Star at Box Office King Alden Richards ang magsisilbing host ng upcoming dance competition.

Handa nang humataw sa stage ang celebrity dance stars na sina Glaiza de Castro, Rodjun Cruz, Faith da Silva, Thea Astley, at VXON Patrick. Samantala, ang digital dance stars na sina Zeus Collins, Dasuri Choi, JM Yrreverre, Kakai Almeda, at Joshua Decena ay handa na din makipagsabayan sa dance floor.

Abangan ang Stars on the Floor ngayong June 28 na sa GMA.

Kilalanin pa dito ang dance authority panel ng Stars on the Floor: