GMA Logo Polo Ravales, Paulyn Quiza, Yatrick Paul Gruenberg
Celebrity Life

Polo Ravales and Paulyn Quiza share first family photo with baby Yatrick Paul

By Aimee Anoc
Published September 18, 2021 10:29 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Polo Ravales, Paulyn Quiza, Yatrick Paul Gruenberg


Puyat man daw, looking forward naman ang aktor na si Polo Ravales sa kanyang daddy duties.

Ibinahagi ni Polo Ravales at Paulyn Quiza sa Instagram ang unang larawan nila bilang isang pamilya kasama ang kanilang 12-day old baby boy na si Yatrick Paul Quiza Gruenberg.

Isang post na ibinahagi ni Polo Ravales (@poloravales)

"Puyat Mode (picture taken at 2am last night)," caption ni Polo.

Ayon kay Polo, looking forward siya sa kanyang pagiging tatay ngayong isinilang na ang kanyang anak.

"Noong lumabas siya, parang nagising ka ulit. My new reality. So I'm looking forward to be a dad," pagbabahagi ni Polo sa GMA Regional TV Live.

"Now I'm enjoying itong fatherhood," dagdag pa niya.

Inihayag din ni Polo ang tatlong katangian na hinahangaan niya kay Paulyn.

"Caring, loving and strong," ani ni Polo.

Una nang nag-post ang aktor ng larawan ng kanyang anak habang mahimbing na natutulog kasama si Paulyn. Sobrang nagpapasalamat si Polo dahil normal at malusog na naisilang ang kanyang anak, gayundin parehong ligtas ang kanyang mag-ina.

Isang post na ibinahagi ni Polo Ravales (@poloravales)

Inanunsyo nina Polo at Paulyn ang paparating nilang baby noong Abril kung saan nag-post si Polo ng ultrasound ng kanilang anak.

Pasko ng 2018 nang ma-engaged sina Polo at Paulyn.

Samantala, kabilang si Polo sa bagong romantic mini-series na Stories from the Heart: Loving Miss Bridgette bilang si Tristan Enriquez, ang aroganteng ex-husband ni Bridgette de Leon na ginagampanan ni Beauty Gonzales.

Kilalanin sa gallery na ito ang partner ni Polo Ravales na si Paulyn Quiza.

--