GMA Logo Polo Ravales and Ketchup Eusebio
Photo source: FTWBA
What's on TV

Polo Ravales at Ketchup Eusebio, nakapag-date na nga ba ng foreigner?

By Karen Juliane Crucillo
Published April 21, 2026 8:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Alden Richards excited to work with idol Christopher De Leon in ‘Code Gray’
LTFRB-10 heeds plea to implement taxi flag-down rate hike
Misamis Oriental welcomes Miss Universe Philippines delegates

Article Inside Page


Showbiz News

Polo Ravales and Ketchup Eusebio


Alamin dito kung nakapag-date na sina Polo Ravales at Ketchup Eusebio ng isang foreigner.

Ibinahagi nina Polo Ravales at Ketchup Eusebio ang kuwento ng kanilang mga naging past lovers.

Sa panayam nila sa Fast Talk With Boy Abunda nitong Martes, April 21, sinagot ng dalawang aktor kung mayroon silang naging karelasyon na foreigner.

Ikinuwento ni Ketchup na nagkaroon siya ng isang Irish-American na kasintahan noon.

“Marami akong natutunan sa kultura nila na parang hanggang ngayon dinadala ko,” bahagi ng komedyante.

“Kapag maliit na 'yung sabon sa banyo, hindi mo na pwede gamitin. Natutunan ko na gumamit ng mga handwash, ng mga maliliit na bagay,” kuwento niya.

Higit pa rito, mayroon ding tumatak kay Ketchup na aral mula sa kanilang relasyon.

“Marami silang parang naitulong din sa akin. 'Yung pagiging independent ng mga anak,” aniya.

Dagdag niya, “Kasi sa Eastern, hindi kagaya sa atin, hanggang past 18, pwede pa natin kasama 'yung mga magulang, hanggang may asawa, hanggang may pamilya.”

Samantala, si Polo naman ay walang naging karelasyon na foreigner.

“Parang wala, Tito Boy. Parang na-date lang,” sabi ng aktor.

Nagkasama noon sina Polo at Ketchup sa youth-oriented series na T.G.I.S., kasama sina Dingdong Dantes, Angelica Panganiban, Bobby Andrews, Angelu de Leon, at marami pang iba.

RELATED GALLERY: IN PHOTOS: Stars ng 'T.G.I.S,' nasaan na ngayon?