
Hindi mapawi ang ngiti sa mukha ni Polo Ravales nang balikan niya ang pag-arte niya sa youth-oriented show na T.G.I.S. sa pagsalang niya sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) ngayong Martes ng hapon (April 21).
Kasama ni Polo ang versatile actor na si Ketchup Eusebio na co-star niya sa GMA Prime series na The Master Cutter na ipapalabas sa darating na May 11.
RELATED CONTENT: Angelu De Leon and Polo Ravales look back on 'TGIS' days
Tumagal nang apat na taon sa ere ang T.G.I.S. (1995-1999) at dito nakatrabaho din ni Polo Ravales ang multi-awarded actor na si Dingdong Dantes na lead star naman nila sa The Master Cutter.
Ibinahagi ng former TV heartthrob ang memorable moments niya noon sa show.
Lahad ni Polo sa Fast Talk, “Alam mo, Tito Boy, kasi noong time na 'yun parang naglalaro lang kami, kasama ko si Dingdong Dantes. Tsaka, 'yun ang one of my first TV shows, so talagang memorable.”
Pagpapatuloy niya, “Lahat kami friends, e Tito Boy. Dingdong (Dantes), Dino (Guevarra) during those times we go out, like gumigimik kami. Barkada talaga.”
Hindi rin malilimutan ni Polo Ravales kung gaano ka-generous si Dingdong Dantes dahil tinuruan pa siya nito kung paano mag-drive.
“Dun din ako natutong mag-drive, parati ko ginagamit ang kotse ni Dingdong, parati ko hinihiram. Tinuturan din niya ako mag-drive sa village,” pagbabalik-tanaw niya.
Source: GMA Network & FTWBA
Dagdag na kuwento ni Polo sa King of Talk, “Talagang minsan pagka gumigimik kami, talagang inuumaga na kami, Tito Boy. At si Dingdong and Dino 'yung passes ko sa Mom ko. Kasi, ako 'yung pinaka-youngest sa kanila, e. So, pagka nagpaalam ako hinahabilin ako ng Mom ko kina Dong at Dino na 'Kayo na bahala dito kay Paul, ah'.”
Bukod sa T.G.I.S. ilan pa sa iconic TV shows na ginawa ni Polo Ravales ang Anna Karenina at ang 2005 version ng hit telefantasya series na Encantadia.
At dahil sa staying power niya sa show business, binigyan-diin ng aktor ang mindset niya sa tuwing nabibigyan ng role sa anumang proyekto.
Pagbibida pa niya kay Boy Abunda na ibinibigay niya ang 100 percent sa tuwing umaarte. “When I do acting lalo na ngayon, when you get to be mature as an actor. Parang, ibibigay mo lahat kada eksena. Kahit na maliit na eksena talagang you are gonna give your all. Walang tira, kasi hindi mo alam kung hanggang kailan ka may trabaho, so ako talaga I gave my 100 percent.”
RELATED CONTENT: 'The Master Cutter' holds star-studded storycon