GMA Logo Yatrick Paul Quiza Gruenberg
Celebrity Life

Polo Ravales shares baby's adorable photo

By Aimee Anoc
Published September 13, 2021 6:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Yatrick Paul Quiza Gruenberg


"My Boy." - Polo Ravales

Proud na ibinahagi ni Polo Ravales ang larawan ng kanyang unang anak na lalaki sa kanyang fiancee na si Paulyn Quiza.

Isang post na ibinahagi ni Polo Ravales (@poloravales)

Sa Instagram, makikitang natutulog ang 8-day old na si Yatrick Paul Quiza Gruenberg na ipinanganak noong September 5.

"My Boy," caption ni Polo, na may kasamang hashtag "iloveyouyatrickpaul."

Hindi naman nagpahuli sa pagbati ang mga kaibigan at tagahanga ni Polo.

"Congrats my brother, more blessings sa inyo ng family mo," pagbati ni Dion Ignacio.

"Congratulations, magkasunod kami ng birthday!" pagbabahagi ni @carladelarosa09.

"So gwapo naman like father," sulat ni @raineheart02 na may kasamang heart emoji.

"Congratulations Polo and Yatrick Paul is one cute baby," dagdag pa ni @edmhidalgo.

"Goodlooking baby like his parents. Congratulations, Mr and Mrs P," sabi ni @efrheim.

"Congrats bff! Bakit 'di pa Paul Patrick para junior na junior?" biro naman ni @janette_b_c.

"Ang gwapo ni baby... mana po sa 'yo idol," pagbati ni @preciousroseballescas.

Una nang nag-post si Polo ng larawan ng kanyang anak habang mahimbing na natutulog kay Paulyn. Sobrang nagpapasalamat ang aktor dahil normal at malusog na naisilang ang kanyang anak, gayundin parehong ligtas ang kanyang mag-ina.

Isang post na ibinahagi ni Polo Ravales (@poloravales)

Inanunsiyo nina Polo at Paulyn ang paparating nilang baby noong Abril kung saan nag-post si Polo ng ultrasound ng kanilang anak.

Pasko ng 2018 nang ma-engage sina Polo at Paulyn.

Samantala, kilalanin sa gallery sa ibaba ang fiancee ni Polo Ravales na si Paulyn Quiza: