
Patuloy pa rin sa pagharap sa pagsubok sina Yoo Se-poong(Kim Min-jae), Gye Ji-Han (Kim Sang-kyung), at ang kanilang Gyesu Clinic. Nungit ngayon na nadadamay na si Seo Eun-woo (Kim Hyang-gi), kailangan nang kumilos ng manggagamot ng puso sa finale week ng Poong, the Joseon Psychiatrist.
Dahil sa galit ng mga tao sa palasyo sa kanya, nalagay sa panganib ang buhay ni Poong. Kaya naman, para mailigtas siya ay ibinigay ni Ji-han ang isang talaan na makakatulong para mailigtas ang manggagamot.
Matapos pagbantaan ang buhay ni Poong ng gobernador, si Eun-woo naman ang mapapahamak. Mailigtas kaya siya ni Poong?
BALIKAN ANG CAST NG 'POONG, THE JOSEON PSYCHIATRIST' SA GALLERY NA ITO:
Dahil sa kanyang galing ay nailigtas ni Poon si Eun-woo. Bukod pa riyan, ibinalita sa kanya ni Ji-han na pinapatawag siya ng hari sa palasyo. Ito na ba ang simula ng totoong maganda nilang buhay?
Isang kahilingan naman ang matatanggap ng pagamutang may puso, na hindi nila kayang tanggihan.
Sa wakas, nagpakasal na rin si Poong at Eun-woo. Samahan sila sa kanilang unang gabi bilang mag-asawa sa pagtatapos ng Poong, the Joseon Psychiatrist.