GMA Logo Poong, the Joseon Psychiatrist
Source: OfficialGMAHOA (FB)
What's Hot

Poong, the Joseon Psychiatrist: Mga paninira | Week 4 recap

By Kristian Eric Javier
Published November 16, 2023 5:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pope Leo warns over use of AI in the military
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Poong, the Joseon Psychiatrist


Kahit patuloy na gumagawa ng mabuti, kinakaharap pa rin ni Yoo Se-poong ang mga kalaban niya mula sa palasyo.

Kahit pa walang ibang gustong gawin sina Yoo Se-Poong (Kim Min-jae) at Gye Ji-Han (Kim Sang-kyung) sa Gyesu Clinic ay patuloy naman ang paninira ng mga kalaban niya sa palasyo sa Poong, the Joseon Psychiatrist.

Sa pagpapatuloy nina Poong at Ji-han ng kanilang Gyesu Clinic ay binibisita pa rin sila ng mga taga palasyo para pahirapan at isa na dito si Jeon Gang-Il. Ngunit imbes na pumunta sa palasyo ay bumalik ito sa Sorak nang sugatan at wala nang malay.

Samantala, isang parokyano naman ang lumapit kay Ji-han at sinabi ditong kilala niya ang tunay na pagkatao ng mangagamot. Ano nga ba ang itinatago ni Ji-han sa mga kasamahan niya sa Gyesu Clinic?

Matapos ampunin ni Ji-han si Ip-bun, isang pinuno ng isang angkan ang lumapit sa manggagamot para ipaalam na sa kanila nagmula ang dalaga. Ngunit dahil napamahal na ay hindi makayang ipaubaya ni Ji-han ang kanyang anak sa kanilang angkan.

Ngunit nang iparamdam sa kanya na kawawa ang anak niya, napagtanto ni Ji-han na maaaring mas gumanda ang buhay ni Ip-bun kasama ang kanyang tunay na angkan.

Hindi man payag si Ji-han at pilit kinuha si Ip-buin ng kanya umanong angkan. Samantala, isang alyansa naman ang nabuo sa palasyo para patuloy na pasakitan at sirain si Poong.

BALIKAN ANG CAST NG 'POONG, THE JOSEON PSYCHIATRIST' SA GALLERY NA ITO:

Dahil dito, ilang mga guwardya ng palasyo ang sumugod sa Sorak para subukang hulihin si Poong. Ngunit isang mensahe ng hari ang natanggap ni Ji-han kung saan ipinaalam nito na siya ang magbabantay kay Poong sa palasyo, at hiniling sa manggagamot na gawin din ito sa Sorak.

Patuloy pa rin sa paninira ang mga karibal ni Poong mula sa palasyo kaya naman, sa pakikinig ni Ji-han sa hiling ng hari ay pilit niyang pinagtatanggol si Poong.

Samantala, hindi maiwasan ni Poong na makaramdam ng lungkot at pangungulila sa maaaring gawin sa kanya ng mga sundalo ng palasyo. Dahil dito, ipinaalam na niya kay Seo Eun-woo (Kim Hyang-gi) na hindi niya kakayanin ang mahiwalay dito.