
Unti-unti nang nagkakaroon ng linaw ang mga bagay na nangyari kay Yoo Se-yeop sa Poong, the Joseon Psychiatrist bago at simula nang mapatalsik siya sa palasyo para sa isang krimen na hindi naman niya ginawa.
Sa nakaraang linggo, nakatanggap ng maraming rebelasyon si Yoo Se-poong mula sa dating kaibigan na Crown Prince ng palasyo, at ganun din kay Seo Eun-woo.
Ngayong nalaman na ni Yoo Se-poong na maaaring may conspiracy sa pagkamatay ng hari na naging dahilan para mapatalsik siya sa palasyo, handa na siyang bumalik upang mag imbestiga.
Dahil dito ay mapipilitan siyang iwanan ang Gyesu Village at ang mga tao dito, kasama si Seo Eun-woo. Isa lang ang kahilingan ni Poong, na hintayin sana siya nito. Pero para kay Eun-woo, hindi lang pag hihintay ang gagawin niya, kundi hahanap din ito ng paraan para makatulong kay Poong.
Isang pasyente naman na hindi makapag-salita ang tinulungan ni Poong maaalala ang iba't-ibang bahagi ng kanyang buhay. Pero kita rin ng mangagamot na may alangan ito sa pag balik at pag alala kaya't tiniyak niya dito na hindi na ito nag iisa.
Samantala, sinabi naman ni Poong ang pag-aalala niya sa mga sugat na natamo ni Cho Shin-woo. Pero siya naman ang tiniyak ni Eun-woo na wala ito dapat ipag-alala sa inspektor.
Hindi naman maitago ni Poong ang konting selos na naramdaman nang makitang kilalang-kilala ni Eun-woo si Shin-woo. Pero hindi rin nito naitago ang ngiti ng sabihin nito na mas importante sa kanya ang kasalukuyan.
Biglang bumisita ang prinsipe ng palasyo para dalawin si Yoo Se-yeop bilang isang dating kaibigan. Dumating naman si Gye Ji-han para bigyan ng halamang gamot ang prinsipe ngunit dahil hindi nito kilala ang "pasyente" ay hindi nito ginalang ang kaibigan ni Yeop.
Dito, sinabi ng prinsipe na may paparating na tiga-tikim ng hari bago ito mamatay at sinabi sa dating kaibigan na gusto niyang malunasan ni Yeop ang tiga-tikim.
KILALANIN ANG MGA KARAKTER NG POONG, THE JOSEON PSYCHIATRIST SA GALLERY NA ITO: