
Patuloy pa rin sa panggagamot sina Yoo Se-poong (Kim Min-jae), Seo Eun-woo (Kim Hyang-gi), at Gye Ji-Han (Kim Sang-kyung). Ngunit dahil sa pagpapahirap na ginagawa sa kanila ng mga tao sa palasyo, kinailangan nilang kumilos para sa ikabubuti ng lahat sa Poong, the Joseon Psychiatrist.
Isang curfew ang ipinatupad ng gobernador sa Sorak ngunit dahil may isang buhay na nanganganib, kinailangan suwayin ni Eun-woo ang kautusan na iyon.
Dahil dito, gusto siyang hulihin ng Gobernador ngunit ipinaglaban pa rin ni Poong si Eun-woo at ang kaniyang ginawa bilang manggagamot.
Dahil sa nangyari, napagdesisyunan ni Eun-woo na umalis na lang sa Gyesu Clinic para hindi na maabala pa si Poong.
Ngunit sa paglisan niya ay hindi napigilan ni Poong na sundan siya. Subalit hindi lang siya ang naka-miss sa dalaga dahil maging si Jeon Gang-il (Kang Young Seok) ay sumunod din para makita si Eun-woo.
Kahit sumunod si Poong kay Eun-woo, hindi nito ipinaalam na may sakit siya. Dito ay tinanong ng binata kung sino ang maggagamot sa manggagamot kapag nagkasakit. Iwanan pa kaya ni Eun-woo si Poong sa oras ng karamdaman nito?
BALIKAN ANG CAST NG POONG, THE JOSEON PSYCHIATRIST SA GALLERY NA ITO:
Matapos ang ilang pagsubok at muntik na paghihiwalay nila ay ipaglalaban na sa wakas nina Poong at Eun-woo ang kanilang pagmamahalan.
Dahil sa pag-amin nila, isang tao pinakanaapektuhan ng kanilang realsyon, si Gang-il. Malaman na kaya ni Poong kung saan nanggagaling ang galit nito sa kaniya?
Sundan ang kuwento ni Poong sa Poong, the Joseon Psychiatrist, Mondays to Fridays, 10:20-10:50 p.m. sa GMA.