
Pagalingan sa pagsagot sa survey questions at may showdown pa sa stage ng Family Feud ngayong Martes.
Ngayong July 15, maglalaro sa pinakamasayang family game show sa buong mundo ang Team Bellydance at ang Team Bollywood.
Mula sa Team Bellydance ang accomplished and trailblazing female belly dancers. Samantala, ang Team Bollywood naman ay ang group of dynamic male performers mula sa award-winning Buganda Drum and Dance Ensemble
Ang leader ng Team Bellydance ay si Jill Ngo, ang award-winning belly dancer of 21 years at nakilala bilang 'Goddess of Bellydance.' Makakasama niya sa Team Bellydance ang businesswoman and belly dancer of 16 years na si Hazel Uy Chen; ang Zumba instructor and belly dancer of 18 years na si Louise Sarte Aldecoa; at ang interior designer and belly dancer of 14 years na si Joyce Zabat.
Ang leader naman ng Team Bollywood ay si Raffy Medollar na choreographer and performer from Cavite. Maglalaro rin sa Team Bollywood ang dance teacher and performer from Antipolo na si Carlo Juanerio; ang fresh graduate and performer from Marikina na si Noeh Polinar; at ang BPO employee and performer from Bulacan na si Yahweh Sangalang.
Bukod sa kanilang pagalingan sa pagsagot, mapapanood din ng viewers ng Family Feud ang kanilang husay sa pagsayaw dahil naghanda sila jaw-dropping production numbers!
Playful banter, fierce competition, at kanilang show-stopping flair ang ating aabangan sa Family Feud ngayong Martes (July 15) sa GMA!
“Happiness Overload” ang hatid ng Family Feud kaya subaybayan ang fresh episodes Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess to Win promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 20,000.