GMA Logo Family Feud
What's on TV

PPop pride vs K-Drama vibes, mapapanood sa 'Family Feud' ngayong October 7

By Maine Aquino
Published October 7, 2025 11:56 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Emilia Clarke gets surprise visit from Jason Momoa in New York
At least 30 houses along creek in Bacolod City demolished
Khalil Ramos is on the digital cover of a men's fashion magazine

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud


Ppop group na 6ENSE at mga talented Pinoy sa Korea ang magpapakita ng husay sa 'Family Feud' ngayong October 7!

New pride of PPop at mga Pinoy na nagpakita ng husay sa world-famous entertainment industry ng South Korea ang ating mapapanood sa Family Feud!

Ngayong October 7, maglalaro sa pinakamasayang family game show sa buong mundo ang fast-rising idols na 6ENSE at ang mga proud Pinoy na nagpakita ng husay sa Korea.

Ang apat na miyembro ng 6ENSE na maglalaro ay ang magnetic leader and main vocalist na si Wiji; ang smooth lead vocalist and main dancer na si Hunter; ang visual heartthrob and lead vocalist na si Axis; at ang unbeatable main dancer na si Caizer.

Pero bago ang survey battle sa Family Feud, sina Wiji, Hunter, Axis, Caizer, at ang dalawa pang members ng grupo na sina L.A. at Ruko may handog na kaabang-abang na performance ng new single na “MUNI-MUNI”!

Hindi naman pahuhuli sa tapatan sa Family Feud ang team na Seoul Mates na kinabibilangan ng proud Filipinos na nagpapakita ng talento sa Korea.

Maglalaro sa Seoul Mates ang aktres na napanood sa Netflix's hit series na All of Us Are Dead bilang Kang Yun-ah na si Noreen Joyce Guerra. Makakasama niya si Tim de los Reyes na 12 years na naninirahan sa Korea; ang familiar face sa K-dramas tulad ng The Voice series na si Benjie Flores; at si Sid Antiquiera, ang talented actor mula sa Negros Occidental na nagpapakita ng galing sa Korean audiences simula pa noong 2014.

Mga talented contestants sa concert stage at K-drama screen ang aabangan kaya tumutok na sa Family Feud ngayong Martes, 5:40 p.m. sa GMA.

Subaybayan ang fresh episodes ng Family Feud Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.

Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess More, Win More promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP10,000 up to PhP100,000! Panoorin ito para sa paraan ng pagsali sa Guess More, Win More promo: