Article Inside Page
Showbiz News
Lorna Tolentino's character in Genesis, Sandra, has been consistently challenging to portray for the award-winning actress. She had to make grave decisions for the country and for her family, and go against a former president who is determined to bring down the present government.

Lorna Tolentino's character in
Genesis, Sandra, has been consistently challenging to portray for the award-winning actress. She had to make grave decisions for the country and for her family, and go against a former president who is determined to bring down the present government.
"From the very beginning naman hindi na siya ganun kadali talaga kasi 'yung umpisa pa lang namin, sa Baguio, mayroong asteroid, nagkaroon ng earthquake, namatay 'yung father ko. And then after that, kinalaban na niya si Ramona. Wala namang eksenang sa palagay ko na naging relax kami, dahil na rin siguro sa tema ng istorya. Kaya tuloy-tuloy 'yung mga mahihirap na eksena," shares the grand slam actress in a recent interview with GMANetwork.com.
Isa ang role na ito sa mga nagustuhan ni LT, dahil na rin daw sa pagiging malayo nito sa totoong buhay. "Kaya ko rin nagustuhan 'yung character kasi alam ko na hindi mangyayari sa totoong buhay. 'Yun 'yung challenge sa part ko as an actor na makagawa at magampanan ko 'yung pagiging isang presidente dahil alam kong hindi talaga mangyayari kundi sa panaginip lang."
Sa nalalapit na pagtatapos ng primetime adventure-drama series, ano ba ang mga dapat abangan ng viewers?
"Kailangan abangan nila. So far, medyo nahihirapan na si Presidente Sandra na ma-control 'yung lahat ng pangyayari dahil medyo naaapektuhan na rin siya ng kalaban niya na si Ramona. Lumalaki na ang grupo ni Ramona, and marami na rin ang nawawala and makakatakas sa holding facility ng
Genesis. Maraming problema ang dumadating," she explains.
Makakaligtas kaya sina Sandra at ang kanyang pamilya mula sa paggunaw ng mundo? Magtagumpay kaya si Ramona sa kanyang plano na mapabilang sa mga makakasama sa Project Genesis? Mahahanap kaya ni Isaak si Raquel bago mahuli ang lahat?
Huwag palampasin ang huling dalawang linggo ng
Genesis, weeknights pagkatapos ng
Adarna, sa GMA Telebabad. --
Text by Michelle Caligan, GMANetwork.com