
Sa nangyaring 'lock-in taping' ng Prima Donnas, ipinagdiwang ng mga bida ng programang sina Jillian Ward at Althea Ablan ang 16th birthday ni Elijah Alejo.
Bilang selebrasyon, nag-cake mukbang sina Jillian, Althea, at Elijah habang naglalaro ng dugtungan challenge.
Habang nagsasaya, nilagyan ni Elijah ng icing sa mukha si Althea. Hindi ikinatuwa ni Elijah na ginantihan siya ni Althea at nilagyan niya ito ng mas maraming icing sa mukha.
"Akala kasi ni Althea, nakakatuwa, e," saad ni Elijah.
"Nakakatuwa 'yan?"
Upang lumamig ang ulo ni Elijah, tinangka ni Althea na tapusin na agad ang vlog.
"At dito na po nagtatapos ang vlog," saad ni Althea sa camera.
"Tingnan mo nga 'yung ginawa mo sa akin, oh."
Sagot ni Elijah, "Hindi nga, sa tingin mo nakakatuwa?"
"Hindi. Hindi na nakakatuwa, kanina pa, e. Bago pa lang magsimula, e."
Habang nag-aaway sina Althea at Elijah, hindi alam ni Jillian kung ano ang gagawin sa dalawa niyang kaibigan.
Ang hindi alam ni Jillian, pina-prank lang pala siya nina Althea at Elijah.
Panoorin ang two-part vlog ni Elijah dito:
Mapapanood sina Jillian, Althea, at Elijah sa Prima Donnas, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Magkaagaw.