GMA Logo Prima Donnas reunion
What's on TV

'Prima Donnas' stars, masayang nagkulitan sa kanilang reunion

By Aaron Brennt Eusebio
Published June 20, 2020 9:39 AM PHT
Updated August 5, 2020 11:49 AM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Prima Donnas reunion


Nagkumustahan sina Jillian Ward, Althea Ablan, at Sofia Pablo sa first episode ng 'Prima Donnas: Watch From Home.'

Masayang nagkita-kita at nag-kumustahan ang mga bida ng Prima Donnas sa unang episode ng 'Prima Donnas: Watch From Home.'

Ang beteranang aktres at direktor ng Prima Donnas na si Gina Alajar at ang aktor na si Benjie Paras ang nagsilbing host ng virtual reunion ng tatlong Donnas na sina Jillian Ward, Althea Ablan, at Sofia Pablo.

Bukod sa tatlong Donnas, hindi rin nawala sina Katrina Halili at Wendell Ramos, pati na rin ang mga kontrabidang sina Elijah Alejo at Aiko Melendez.

Kapansin-pansin namang hindi nakasama ang beteranang aktres na si Chanda Romero sa kanilang online reunion dahil may personal itong commitment.

Umabot ng mahigit 5,000 viewers ang reunion ng Prima Donnas, na napanood sa Facebook account, Twitter page, at YouTube channel ng GMA Network.

Panoorin ang masayang pagkikita-kita ng mga bida ng Prima Donnas:

Hindi pa d'yan nagtatapos ang 'Prima Donnas: Watch From Home!' Laging tumutok sa Facebook account, Twitter page, at YouTube channel ng GMA Network tuwing Biyernes para sa iba pang sorpresa ng Prima Donnas.