GMA Logo Prima Donnas stars for GMA Now
What's Hot

'Prima Donnas' stars, sinubukan ang GMA Now

By Marah Ruiz
Published February 19, 2021 11:36 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - PCO press briefing (Feb. 27, 2026) | GMA Integrated News
Sang’gres bring magic to Panagbenga Festival 2026
How Dr. Ampong fixes facial imbalance

Article Inside Page


Showbiz News

Prima Donnas stars for GMA Now


Sinubukan ng 'Prima Donnas' stars na sina Althea Ablan, Elijah Alejo, Will Ashley at Wendell Ramos ang GMA Now, ang mobile digital TV receiver ng GMA Network.

Isang espesyal na unboxing video ang ibinahagi ni Prima Donnas star Will Ashley sa kanyang YouTube channel kamakailan.

Nagsagawa kasi ang young actor ng unboxing video para sa GMA Now, ang mobile digital TV receiver ng GMA Network.

Ang GMA Now ay isang maliit na mobile digital TV receiver na ikinakabit sa isang Android device para makapanood ng mga umeereng palabas sa telebisyon, live at on the go. Hindi na rin kailangan ng internet connection para rito.

Sinimulan ni Will ang kanyang video sa pamamagitan ng pagbabasa ng instructions mula sa box ng produkto.

"Napaka simple lang gamitin ng ating pinaka bagong GMA Now. Kahit nasa labas ka pa, nagko-commute, pwedeng pwede mo 'tong magamit," sambit niya.

Sinibukan din ni Will ang pag-install at set-up ng device. Nag-download muna siya ng app, ikinabit ang device, at nag-register para sa kanyang account.

"Napaka simple naman ng ating GMA Now, talagang download, saksak and watch," aniya.

Bukod kay Will, nagpakita rin ng kanilang suporta sa bagong launch na device ang ilan sa kanyang Prima Donnas co-stars.

"Wala ka nang mami-miss na palabas kahit on the go with GMA Now," sulat ni Althea Ablan sa kanyang Instagram account.

A post shared by ALTHEA (@althea_ablan30)

Mamimigay din daw si Althea ng ilang units ng GMA Now sa kanyang mga followers.

A post shared by ALTHEA (@althea_ablan30)

Looking forward din si Elijah Alejo na gamitin ang GMA Now para mapanood ang ilang free-to-air digital channels.

"Gamit ang iyong Android phone, puwede ka nang manood ng GMA, GMA News TV, Heart of Asia, Hallypop, DepEd TV at lahat ng available free-to-air channels sa inyong lugar for free nang walang ng internet connection," sulat niya.

A post shared by Elijah Alejo (@itselijahalejo)

Excited na rin daw si Wendell Ramos na magamit ang GMA Now para makapanood siya ng telebisyon in real time at on the go.

"Good news po mga kapuso! Siguradong mag eenjoy kayo dito! Be a part of the much talked about #gmanow Thank you @gmanetwork for sending The new #GMAnow💙 We can Watch gma news and other gma shows in real time! on the go for FREE even without internet!!! #kapuso #gmanetwork," sulat niya sa Instagram.

A post shared by Wendell Ramos (@wendellramosofficial)

Bukod sa panonood ng telebisyon, mayroon ding iba't ibang interactive features ang GMA Now.

Kapag ikaw ay may internet connection, maaari kang mag-stream ng mga videos mula sa GMA Videos On-Demand, maglaro ng interactive games, and makipag-chat sa iyong mga kaibigan at makakuha ng updates tungkol sa iyong paboritong Kapuso shows sa Groupee.

Para sa iba pang detalye, bumisita lang sa official site ng GMA Now o i-follow ang official social media accounts nito sa Facebook, Instagram, and Twitter.

Sa mga interesadong bumili online ng GMA Now, bisitahin lamang ang GMA Store sa Shopee at Lazada.