GMA Logo Prince Clemente and Dingdong Dantes
Source: princeclemente18 (IG) and Prince Clemente (FB)
What's on TV

Prince Clemente, masayang nakasama ang 'idol' niyang si Dingdong Dantes

By Aedrianne Acar
Published February 22, 2024 6:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

5 people linked to alleged NPA members in Toboso clash arrested
How do airplanes stay in the air? Physicist explains
This restaurant gives free food to PUV drivers

Article Inside Page


Showbiz News

Prince Clemente and Dingdong Dantes


Si Sparkle hottie Prince Clemente ang isa sa mga bagong karakter na aabangan linggo-linggo sa 'Jose & Maria's Bonggang Villa 2.0.'

Big blessing para sa Sparkle hunk na si Prince Clemente this 2024 ang pagiging parte ng hit sitcom ng DongYan na Jose & Maria's Bonggang Villa 2.0.

Gaganap ang StarStruck graduate bilang Alvin sa patok na comedy program.

Sa panayam ni Prince sa GMANetwork.com, looking forward siya sa mga taping niya sa show, dahil muli niyang makakatrabaho si Dingdong Dantes na nakasama niya sa Pinoy adaptation ng K-drama series na Descendants of the Sun.

Ayon kay Prince, hanga siya sa galing ng pakikisama ng Kapuso Primetime King.

“Talagang idol ko si Kuya Dong [Dingdong Dantes]. At talagang mas naging idol ko siya nang naka-work ko siya sa DOTS PH. Ang galing niya makisama, tapos leader namin siya dun and even off cam talagang tinitingala namin siya,” saad ng Sparkle actor.

Dagdag niya, “At saka, ang dami niyang ituturo sa'yo. Basta, ang galing makisama ni Kuya Dong, talagang wala ako masabi.”

Sobra rin daw na-miss ni Prince ang gumawa ng sitcom, lalo na nang matapos ang Daddy's Gurl noong May 2023.

Hindi raw ito tulad ng ibang project at nae-enjoy niya ang ang “relax” environment sa isang sitcom.

Paliwanag ni Prince, “Siyempre nakaka-miss, kasi after ng Daddy's Gurl, two years din kami na tuloy-tuloy. So, talagang iba 'yung sitcom. Mas lalo kapag comedy talaga, walang pressure. Wala kang iniisip. Talagang kailangan mo lang maging natural, at saka i-enjoy 'yung every moment sa ka-eksena.”

A post shared by Prince Clemente (@princeclemente18)

Abangan ang pagdating ni Alvin (Prince Clemente) sa Jose & Maria's Bonggang Villa 2.0 sa darating na Sabado ng gabi, February 24, bago ang Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento.

RELATED CONTENT: TRIVIA ABOUT KAPUSO HUNK PRINCE CLEMENTE: