
May nakakakilig na birthday message ang Kapuso hunk na si Prince Clemente para sa kanyang girlfriend at Sparkle actress na si Althea Ablan, na nag-celebrate ng kanyang 20th birthday noong Miyerkules, October 9.
Sa Instagram, isang sweet na mensahe ang ipinarating ni Prince kay Althea kung saan ipinakita rin niya ang ilang kilig photos nila sa Thailand.
"Happy birthday my not so baby girl! Always proud of you! [I love you]," sulat ni Prince.
Sa comments section, pinasalamatan ni Althea ang nobyo: "Moo, thank you for this trip. I'm the happiest/luckiest girl. Chan Ruk Kun."
Nakatanggap din si Althea ng pagbati mula sa ilang celebrities tulad nina Chanda Romero, Faye Lorenzo, Analyn Barro, Roxie Smith, Andrew Muhlach, at Betong Sumaya.
Nagbigay rin ng pagbati sa kanyang kaarawan ang co-stars sa afternoon series na Forever Young na sina Alfred Vargas, Nadine Samonte, at James Blanco.
Happy birthday, Althea Ablan!
SAMANTALA, TINGNAN ANG BIRTHDAY PHOTOSHOOT NI ALTHEA ABLAN SA GALLERY NA ITO: