GMA Logo Princess Aliyah
Courtesy: Gerlyn Mariano, GMANetwork.com
What's Hot

Princess Aliyah, inalala ang naging journey bilang PBB 2.0 housemate

By EJ Chua
Published March 9, 2026 12:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Saksi Livestream: April 29, 2026
Robbery of balut store in Digos affecting small businesses
Sean Lucas enjoys Paris adventure

Article Inside Page


Showbiz News

Princess Aliyah


Kapuso Fourth Big Placer na si Princess Aliyah sa pagiging parte ng Ultimate 8 sa PBB Celebrity Collab Edition 2.0: “Super happy ko po.”

Napa-throwback si Princess Aliyah sa kanyang winning moment sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 The Big Night.

Related gallery: The winning highlights of Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0

Sa kanyang guest appearance sa Kapuso ArtisTambayan at Unang Hirit, masayang inalala ni Princess ang pagkakabilang niya sa Ultimate 8 at Kapuso Big Four ni Big Brother.

Ayon sa Sparkle star, hindi niya inasahan ang naging journey niya sa Bahay Ni Kuya, maging ang pag-abot niya hanggang sa dulo.

Pagbabahagi niya, “Napaka unexpected po ng naging journey ko sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0. Ang dami ko pong hindi in-expect lalo na po na nakaabot ako sa Ultimate 8. Medyo mataas na 'yung pangarap ko na makaabot doon pero ayun nakaabot.”

Courtesy: Balitanghali, GMA Integrated News

Sa hiwalay na panayam, inilahad niyang noon una ay wish niya lang na mapabilang sa Big Four na nangyari nga sa kanya bilang isa sa mga huling housemates na nanatili sa iconic house bago ang Big Night.

“Nung pumasok ako sa Pinoy Big Brother ang sabi ko nun sana makapasok lang ako sa Big Four and nung Big Night po as in super happy ko po,” kwento niya.

Si Princess at ang Kapamilya housemate na si Miguel Vergara ang itinanghal na Fourth Big Placers sa katatapos lang na edisyon ng Pinoy Big Brother.

Nakilala ang Kapuso housemate sa teleserye ng totoong buhay bilang Royal Songstress ng Bulacan.