
Thankful ang Sparkle Teens na si Princess Aliyah na mapabilang sa cast ng pinakamalaking suspenserye ngayon sa primetime, ang Royal Blood.
Sa naganap na Grand Media Conference ng Royal Blood, ikinuwento ni Princess na nag-audition siya para sa role sa serye.
"Na-excite and na-pressure kasi medyo may idea na kami nu'n kung sino 'yung mga cast. Noong nag-audition ako... kasi ang character ko nu'n parang jologs, bubbly which is very different talaga sa akin kasi quiet person ako, hindi ako 'yung madada, magalaw," kuwento ng aktres.
Ayon kay Princess, matapos ang audition ay inabot ng halos dalawang buwan ang paghihintay niya bago malaman na kasama siya sa cast ng Royal Blood.
"Sobrang tuwang-tuwa ako and nalaman ko na kasama ko rin ang fellow Sparkle Teens ko," dagdag niya. Kasama ni Princess sa Royal Blood ang kapwa Sparkle Teens niya na sina Aidan Veneracion at James Graham.
Ibinahagi rin ng aktres na hindi niya naiwasang makaramdam ng pressure noong unang sumabak siya sa taping ng Royal Blood.
"Working with the cast po, they are very welcoming, supportive po talaga. Unang-una po kasi sobrang pressured pero dahil easy to work with [ang cast] para lang akong nagwo-workshop. Very thankful po na I'm part of this cast."
Sa Royal Blood, napapanood si Princess bilang Anne, isa sa mga kasambahay ng Familia Royales.
Abangan si Princess sa Royal Blood, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.
Mapapanood din ang Royal Blood sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (10:50 p.m.), at naka-livestream din sa GMANetwork.com.
KILALANIN ANG CAST NG ROYAL BLOOD SA GALLERY NA ITO: