
Napanood na ang finale ng romantic drama series ng GMA Public Affairs na You're My Favorite Song.
Ipinalabas ang mga huling eksena ng serye nitong Biyernes ng hapon, July 31.
Bago pa ito, live na nakipagkwentuhan sa Unang Hirit Barkada ang isa sa cast members ng serye na si Princess Aliyah.
Sa kanilang chikahan, sinagot ni Princess ang tanong kung ano ang mami-miss niya sa 'You're My Favorite Song.'
Sabi ng Sparkle star, “Siguro po mami-miss ko sa character ko is 'yung outfits niya. Kahit na naka-black siya parati fashionista siya.”
“Nung nasa set ako ng You're My Favorite Song, kakaiba nga 'yung character ni Princess [Aliyah],” dagdag naman ni Kaloy Tingcungco na minsan nang nakabisita sa set ng serye.
Abala ngayon si Princess sa kanyang acting at music career, bukod dito, kasalukuyan din siyang naka-focus sa preparation para sa kanyang upcoming birthday.
Related gallery: The different styles and looks of Princess Aliyah
Nakasama ni Princess sa You're My Favorite Song ang kanyang former housemates sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 na sina Caprice Cayetano, Heath Jornales, Marco Masa, Clifford, Lee Victor, at Waynona Collings.