
Talaga namang kilig overload ang naramdaman ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 housemate na si Princess Aliyah nang makaharap niya ang kanyang celebrity crush na si Piolo Pascual.
Sa ilang mga eksena sa teleserye ng totoong buhay, napansin ni Big Brother na si Princess ang pinakakinilig sa girl housemates sa muling pagbisita ni Piolo sa iconic house.
Hindi niya napigilan ang kanyang emosyon at talaga namang napatili at napatalon siya nang makalapit siya sa aktor.
Nang ipatawag siya ni Kuya sa confession room, ibinida ni Princess na si Piolo ang kanyang "TMH" o "tall, mestizo, and handsome" man.
Sabi ng Sparkle star, “Siya talaga 'yung definition of ''tall, mestizo, and handsome.'”
“Hindi kasi ako maka-TDH [tall, dark, and handsome] Kuya, 'TMH' ako so kuhang-kuha talaga ni Papa P [Piolo Pascual].”
Samantala, kasabay ni Piolo ang kanyang fellow actor na si Joshua Garcia sa pagbabalik sa Bahay Ni Kuya.
Mapapanood ang pinag-uusapang reality competition ng live sa GMA at Kapuso Stream tuwing weekdays, 9:40 p.m., Sabado, 6:25 p.m., at Linggo sa oras na 10:05 p.m..
Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Related gallery: Meet the 20 housemates of Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0: