
Sa GMA Afternoon Prime series na Prinsesa Ng City Jail, nagkita nang muli ang dating magkaibigan na sina Sharlene (Beauty Gonzalez) at Divina (Denise Laurel).
Sa sports club kung saan ginanap ang birthday party ng biyenan ni Sharlene, hindi niya inaasahang makikita niya rito si Divina, na siyang may-ari ng lugar.
Napag-usapan ng dalawa kung ano ang nangyari sa kani-kanilang mga anak lalo na't sabay silang nagbuntis noong pareho silang nakakulong.
Nagkita rin sina Divina at ang kanyang ex-boyfriend na si Raymond (Dominic Ochoa), ang napangasawa ni Sharlene.
Ngayong nag-krus na muli ang landas ng dating magkaibigan na sina Sharlene at Divina, ano na kayang susunod na mangyayari at paano nito maapektuhan ang buhay ni Princess?
Mapapanood ang Prinsesa Ng City Jail, Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.