
Masayang usapan ang mapapanood ngayong July 11 sa Sarap, 'Di Ba?
Ang Sabado ng umaga ay mapupuno ng tawanan at kuwentuhan dahil makakasama nina Carmina Villarroel, Mavy and Cassy Legaspi sina Leo Martinez, Chef Boy Logro at Pekto Nacua.
Silang tatlo ay ang mga proud promdi na nagpakita ng kanilang husay sa mundo ng showbiz.
"Abangan nating ngayong Sabado ang guests nating certified Promdi! Mga probinsiyanong pinalad to make it big dito sa Manila! Samahan natin sina Leo Martinez ng Batangas, comedian Pekto Nacua na taga Visayas and Mindanao-based Chef Boy Logro! Tutukan natin yan sa #SarapDiBa ngayong Sabado ng umaga!"
Sama na sa fun Saturday bonding ng Sarap, 'Di Ba? ngayong Sabado at 10:45 a.m.
'Sarap, 'Di Ba?' Bahay Edition, magsisimula na ngayong July 18
Sino ang mas matanda kina Mavy at Cassy Legaspi?
EXCLUSIVE: Mavy at Cassy Legaspi, ano ang gagawin kapag may kaibigang manliligaw sa kapatid?