GMA Logo Noon Daran Thitakawin and Ice Preechaya Pongthananikorn
What's Hot

Prophecy of Love: Nabunyag na ang sikreto ni Wanda | Week 3

By Aimee Anoc
Published July 28, 2022 6:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Physical: Asia star Robyn Brown wins silver, Olympian Lauren Hoffman takes bronze in SEA Games 400m hurdles
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Noon Daran Thitakawin and Ice Preechaya Pongthananikorn


Dahil sa nalamang sikreto nito noon, sinubukang patayin ni Wanda si Rose.

Sa ikatlong linggo ng Prophecy of Love, unti-unti nang nakikilala ni Rose (Ice Preechaya Pongthananikorn) ang tunay na pagkatao ni Timothy (James Jirayu Tangsrisuk) sa pagtira sa bahay ng aktor.

Kahit na nakatira na si Rose sa kanyang buhay, doble pa rin ang pag-iingat ni Timothy para hindi ito mapahamak. Binalaan din ni Timothy ang manghuhula na mag-ingat kay Nikolai (Nat Nattaraht Maurice Legrand) dahil hindi pa rin nakasisiguro ang aktor kung malinis ang intensyon ng huli para kay Rose.

Bukod kay Nikolai, pinag-iingat din ni Timothy si Rose kay Rylie (Pear Pitchapa Phanthumchinda), ang isa sa mga hinulaan nito noon na nagbunyag sa sikreto ni Layla (Noon Ramida Prapasanobon).

Samantala, muling nalagay sa panganib ang buhay ni Rose nang subukan siyang barilin ni Wanda (Noon Daran Thitakawin) dahil sa nalaman nitong sikreto. Si Wanda ang sumagasa noon kay Nica.

Subaybayan ang Prophecy of Love, Lunes hanggang Biyernes, 11:15 a.m. sa GMA.

KILALANIN SI JAMES JIRAYU TANGSRISUK SA GALLERY NA ITO: