
Relate na relate si Kapuso star Bianca Umali sa pinakabago niyang role. Siya kasi ang magbibigay boses sa animated character na si Ella Arcangel mula sa animated film na Ella Arcangel: Awit ng Pangil at Kuko. Hango ang pelikula sa 2017 comic book series na “Ella Arcangel.”
Sa naganap na ToyCon 2026 sa isang mall sa Pasay City nitong nagdaang weekend, ipinakita nila ang prototype ni Ella sa publiko. Kasama ng aktres si GMA Public Affairs Senior Assistant Vice President Angeli Atienza, ang direktor nitong si Melvin Malonzo, at comic book author at illustrator nito na si Julius Villanueva.
Pagbabahagi ni Bianca, marami silang pagkakapareho ni Ella. "Si Ella ay isang pangkaraniwang bata lamang. And what makes her stand out amongst others is that si Ella ay isang superhero on a daily basis."
Sa report ni Athena Imperial para sa 24 Oras Weekend, ibinahagi ni Bianca na puspusan ang naging paghahanda niya para sa naturang proyekto. Sa katunayan, sumailalim pa nga siya sa isang workshop para magampanan ang role nang maayos.
“Iba po ang acting on TV kumpara sa acting na boses lang ang gagamitin mo. So I locked myself in for a week, kagaya ng shinare ko kanina, I really did put myself through one whole workshop,” sabi ni Bianca.
Para sa aktres, isang karangalan din ang mapili bilang boses ng Filipina hero.
"Hindi siya 'yung superhero na inaakala natin at ine-expect nating lahat na naka-costume, may superpower, malaking tao, malakas, hindi siya ganu'n. Ella Arcangel is a representation of all of us," sabi ng aktres.
Sa naturang ToyCon, ipinalabas ang teaser ng pelikula kung saan nagpaabot ng paghanga ang mga manonood nito.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na sasabak ang aktres sa dubbing. At sa naunang panayam sa kanya ni Nelson Canlas para sa 24 Oras noong May, inamin ni Bianca na marami siyang nadiskubre sa sarili dahil dito.
“I guess it's really more being able to discover 'yung weaknesses and strengths ko as an artist. And I'm looking forward to accepting this project kasi kakaibang journey siya for me. At sobrang ganda nung materyal. I'm excited to bring life and to bring voice into her life,” sabi ni Bianca.
Panoorin ang panayam kay Bianca Umali dito: