
Bukod sa pagkanta, sumasabak na rin ngayon sa aktingan ang The Clash Season 1 alumni na si Psalms David.
Noong 2021, napanood si Psalms bilang si Zimba sa GMA Afternoon series na Stories from the Heart: Love On Air.
Ayon kay Psalms, "na-in love" na rin siya sa acting. Aniya, "Gusto ko pa pong maipakita kung ano 'yung mga pinagtrabahuan ko this past few years. 'Yung mga inaral ko po, binuhos kong emotions, effort, commitment, and dedication sa pag-arte. Gusto ko pong maipakita iyon. And hopefully, mabigyan po ulit ng chance na maipakita."
Sa pagpasok sa pag-arte, pangarap na makatrabaho ni Psalms ang Kapuso actor na si Ken Chan.
"Kasi sobrang galing umarte po and it would be a great honor to act with him," sabi niya.
Samantala, naghahanda ngayon si Psalms para sa bago niyang single sa GMA Music, ang "Kaulayaw" na ilalabas sa June 30.
Mas kilalanin pa si Kapuso actor Ken Chan sa gallery na ito: