
Matapos sumabak sa matinding bakbakan ng boses sa Season 1 ng The Clash, nakikipagsabayan naman ngayon sa aktingan ang former Clasher na si Psalms David. Gumaganap siya bilang si Zimba, ang nakababatang kapatid ni Wanda (Gabbi Garcia) sa Stories from the Heart: Love On Air na ipinapalabas ngayon sa GMA Afternoon Prime.
Sa isang panayam ng GMANetwork.com, sinabi ni Psalms na masaya siya na mabigyan ng ganitong klaseng proyekto at nagpapasalamat siya sa GMA Network sa maraming oportunidad na ibinibigay sa kanya.
Aniya, "What's good about GMA po kasi, what I'm grateful about them is hindi lang po nila ako pinokus as singer. Binigyan po nila ako ng workshop sa acting and dancing din and super na-inl ove po ako sa acting. Three years po akong nag-workshop and this is my first ever series so medyo pinaghandaan ko po talaga ito, kahit 'yung role ko ay hindi ganun kabigat pero sobrang na-excite po ako."
Malaki rin daw ang pasasalamat ng singer/actor sa co-stars at production staff ng nasabing series na tumulong at gumabay sa kanya sa kanilang naging lock-in taping.
"Super grateful po ako sa mga co-actors ko kasi never po nilang pinaramdam sakin na baguhan ako kahit sila sobrang dami na nilang acting experience. Super grateful din po ako na yung production na nakasama ko ay very welcoming and warm, parang family po 'yung nararamdaman ko sa kanila," kuwento ni Psalms.
Sa katunayan, na-miss raw niya agad ang kanyang mga nakatrabaho pagkatapos ng kanilang taping dahil sa kanilang nabuong masayang samahan.
"Nakakamiss nga po, e. Nung time na paalis na ako, parang gusto kong bumalik agad tapos mag-taping ulit. Ganun, super easy, sobrang pinadali po nila sa akin 'yung transition ko from singing to acting." ani Psalms.
Kasama ni Psalms sa nasabing series ang Kapuso real-life couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos, ang nagbabalik Kapuso na si Sunshine Cruz at ang ilan pang Kapuso stars na sina Kate Valdez, Yasser Marta, Kiray Celis, Anjo Damiles, at Jason Francisco.
Mapapanood ang Stories from the Heart: Love On Air, Lunes hanggang Biyernes, 3:25 ng hapon, pagkatapos ng Las Hermanas sa GMA Afternoon Prime.
Silipin naman sa gallery na ito ang behind-the-scene photos ng naging lock-in taping ng Stories from the Heart: Love On Air: