What's Hot

Psychologist sa pag-heal ng inner child: 'It goes beyond material things'

By Kristian Eric Javier
Published November 11, 2024 3:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Most parts of PH to see cloudy skies, rain due to 3 weather systems
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Healing inner child


Alamin ang psychology sa likod ng pagkolekta ng mga laruan.

Parami nang parami ang nahuhumaling sa pagbili ng collectible toys at plushies, katulad na lang ng Labubu Dolls at Royal Molly dolls. Ang dahil ng marami sa mga nangongolekta ay para i-heal umano ang kanilang “inner child.”

Ngunit ayon sa isang psychologist, hindi sapat ang material things para gamutin ang kanilang pagkabata.

Sa report ni Catrina Son sa 24 Oras Weekend ay nakilala ang isang netizen na nahilig rin sa collectible toys at plushies. Kahit pa may anak na siya, ay bumibili at nangongolekta parin siya ng mga ito.

Kuwento niya, bata pa lang ay mahilig na siya sa mga manika. Ngunit dahil sa hirap ng buhay ay hindi sila nakakabili noon. Ngayon na nakakabili na siya ay hindi na niya pinalampas ang pagbili ng mga laruan na inaasam niya lang noon.

“Sinasabi ko na lang na 'Deserve ko 'to.' Parang sa lahat ng gusto kong bilhin nu'ng bata na parang [sina-satisfy] ko 'yung inner child ko na makuha ko 'yung gusto ko talaga,” sabi niya.

Ngayong mommy na siya, sinisiguro niyang mabibigay niya sa kaniyang anak ang hilig nito. Aniya, nagagamit niya bilang reward para sa kaniyang anak ang toys at plushies kapag nakakakuha ito ng magagandang grades, at na-i-inspire pumasok sa school dahil dito.

Ayon sa netizen, sa pagbili at pagkolekta nila ng toys at plushies at sumasaya sila, at nawawala ang stress nila galing sa trabaho o eskwela.

TINGNAN ANG LOCAL CELEBRITIES NA NAHILIG DIN SA BAG CHARMS SA GALLERY NA ITO:

Ngunit ayon sa isang psychologist, mahalaga man ang pag-heal ng inner chlld ay hindi naman sapat ang mga materyal na bagay lang.

Aniya, “It's like dressing a wounded child. 'Di ba, 'pag may sugat ka, kailangan mong gamutin, that's how simple it is. And when you don't have the courage to do it, that's where you will have problems. It's more of healing who you are before.”

Dagdag pa ng nakapanayam ni Catrina na psychologist ay hindi lang ito nakukuha sa pangongolekta ng mga materyal na bagay, kundi maging sa mga karanasan sa buhay o kaya sa hobbies na ginagawa nila.

“It goes beyond material things e. It is on the aspect of making you happy. You have to place your inner child in a safe place,” sabi ng psychologist.