GMA Logo Get Get Aw! rAWnd 6 poster
Source: rochellepangilinan, art_solinap, nsyshows (IG)
What's Hot

'Puksaan Na!': Rochelle Pangilinan, may patikim sa 'rAWnd 6' ng SexBomb reunion concert

By Mark Joseph F. Carreon
Published February 15, 2026 6:06 PM PHT
Updated February 16, 2026 10:45 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Separate fires in Iloilo City hit over 20 houses, kill 1
NBI files cyberlibel complaint vs. Jay Sonza, Eric Celiz
Megan Young and Mikael Daez's son Leon gets baptized

Article Inside Page


Showbiz News

Get Get Aw! rAWnd 6 poster


Hindi pa tapos ang laban para sa SexBomb Girls!

Matapos ang sunod-sunod na tagumpay ng rAWnds 1 hanggang 5, opisyal na ngang kinumpirma ng iconic girl group na SexBomb Girls ang ikaanim na yugto ng kanilang inaabangang reunion concert series na Get Get Aw!.

Sa isang Instagram post ng group leader at Kapuso actress na si Rochelle Pangilinan, agad niyang ibinahagi ang teaser para sa rAWnd 6 na lalong nagpa-excite sa kanilang mga tapat na tagahanga.

Ayon kay Rochelle, kahit teaser pa lamang ang inilalabas ay ramdam na ang matinding enerhiya at tensyon ng mga darating na performances. Inilarawan niya ang ikaanim na gabi bilang isang tunay na "puksaan."

“Teaser pa lang 'to… pero ramdam na ang laban. rAWnd 6 PUKSAAN NA 'TO!” ani Rochelle sa kanyang caption.

Dagdag pa ng Kapuso dancer-actress, hindi dapat palampasin ng mga fans ang mga inihanda nilang pasabog: “May bakbakan, may non-stop showdown, may puksaang malala.”

Mariing nilinaw ni Rochelle na sa Manila gaganapin ang concert na inilarawan niya bilang “giyera ng balakang.”

Hindi rin nakalimot si Rochelle na hamunin ang kanilang mga loyal fans o ang tinaguriang henerasyong “Pinalaki ng SexBomb.” Aniya, dapat na ring mag-warm up ang mga ito para sa darating na laban.

“Warm up na sa mga Pinalaki ng Sexbomb. Lalaban tayo,” pagtatapos ng aktres.

Bagama't umaapaw na ang excitement ng mga fans at supporters para sa ikaanim na yugto ng reunion concert, wala pang kumpirmadong mga detalye tungkol dito.

Sa inilabas na poster ni Rochelle, nakasaad iaanunsyo pa lang nila ang eksaktong petsa ng nasabing concert sa Manila.

A post shared by Rochelle Pangilinan (@rochellepangilinan)

Bukod dito, inaabangan na rin ang world tour ng grupo. Kamakailan ay inanunsyo na nila ang kanilang paglipad sa United Arab Emirates maging sa United States.

Related Gallery: SexBomb Girls light up Aranets with nostalgic Get,Get Aw reunion concert