GMA Logo Pulang Araw
What's on TV

'Pulang Araw' premieres July 29 on GMA Prime

Published July 26, 2024 6:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Pulang Araw


Tutukan ang world TV premiere ng 'Pulang Araw' ngayong Lunes, July 29 sa GMA Prime.

Mapapanood na simula sa Lunes, July 29, ang highly-anticipated series ng GMA na Pulang Araw.

Pinagbibidahan ito nina Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco, at Alden Richards. Kabilang din sa serye ang premyadong aktor na si Dennis Trillo na gaganap sa kaniyang first major kontrabida role.

Iikot ang kuwento ng Pulang Araw sa magkakababata na sina Adelina (Barbie Forteza), Teresita (Sanya Lopez), Hiroshi (David Licauco), at Eduardo (Alden Richards) na namuhay noong 1940s sa kasagsagan ng pamamalakad ng Amerika sa Pilipinas at sa pagdating ng mga mananakop na mga Hapones.

Sa pagsiklab ng World War II, magiging mitsa rin ito ng iba't ibang mga problema sa buhay ng apat na magkakaibigan.

Mapapanood din sa nasabing star-studded series ang iba pang mga batikan at mahuhusay na artista kabilang sina Epy Quizon, Angelu De Leon, Rochelle Pangilinan, Robert Seña, Neil Ryan Sese, Ashley Ortega, Mikoy Morales, Sef Cadayona, Jay Arcilla, Aidan Veneracion, at Tyro Daylusan.

Tampok din serye sa kanilang natatanging partisipasyon sina Julie Anne San Jose, Derrick Monasterio, Isay Alvarez, Rabiya Mateo, Jacky Woo, Maria Ozawa, Billy Ray Gallon, at Rhian Ramos.

Panoorin ang official AVP ng Pulang Araw, DITO:

Subaybayan ang Pulang Araw simula ngayong Lunes, July 29, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

RELATED GALLERY: 'Pulang Araw' cast, ipinakilala sa isang enggrandeng media conference