
Trending at pinag-uusapan ngayon sa social media ang naging world TV premiere ng bagong family drama ng GMA na Pulang Araw.
Sa katunayan, nasa number 1 spot ang #PulangArawWorldTVPremiere sa top trending list ng Philippine Trends sa X kagabi, July 29.
#1 TRENDING NATIONWIDE ANG PULANG ARAW!
-- GMA Network (@gmanetwork) July 29, 2024
Nasa # 1 spot ang pilot episode hashtag ng #PulangAraw na #PulangArawWorldTVPremiere ! Maraming salamat sa inyong mainit na pagsuporta at pagtanggap, mga Kapuso! pic.twitter.com/oZKiTvKHTo
Bukod dito, napahanga rin ang marami sa ipinakitang acting performance ng aktres na si Rhian Ramos na napanood sa episode 1 ng serye bilang si Filipina Dela Cruz, ang ina nina Eduardo (Alden Richards) at Adelina (Barbie Forteza).
BEST ACTRESS RHIAN RAMOS
-- Kim (@kapusongkim) July 29, 2024
That's it. That's the tweet!@whianwamos #PulangAraw #PulangArawWorldTVPremiere pic.twitter.com/hpYtxUwpBM
Marami rin ang bumilib sa pag-arte ng child actress na si Cassy Lavarias na gumanap bilang batang Adelina sa serye.
Napansin din ng mga manonood ang production quality ng programa, maging ang mga simbolismo na ipinakita sa ilang mga eksena sa serye.
Iikot ang kuwento ng Pulang Araw sa magkababata na sina Adelina (Barbie Forteza), Teresita (Sanya Lopez), Hiroshi (David Licauco), at Eduardo (Alden Richards) na namuhay noong 1940s sa kasagsagan ng pamamalakad ng Amerika sa Pilipinas at sa pagdating ng mga mananakop na mga Hapones.
Sa pagsiklab ng World War II, magiging mitsa rin ito ng iba't ibang mga problema sa buhay ng apat na magkakaibigan.
Sa unang episode ng Pulang Araw, ipinakita ang ilang mga actual footage ng pagdating ng Amerika sa Pilipinas at kung paano nito ipinalaganap ang kanilang impluwensiya kagaya ng mga pagpapagawa ng tulay at establisyemento, sa edukasyon, at sa paraan ng entertainment noon na bodabil.
"Walang sino man noon ang handa sa pagdating ng panibagong panganib." #PulangAraw #PulangArawWorldTVPremiere pic.twitter.com/GxcHZA92cQ
-- GMA Drama (@GMADrama) July 29, 2024
Samantala, habang nasa taping, nagkaroon din ng watch party ang cast at production crew kagabi para sa pilot episode ng Pulang Araw sa TV.
LOOK: Taym pers muna sa taping! Sama-samang nanonood ng #PulangArawWorldTVPremiere ang cast at production team ng #PulangAraw !
-- GMA Drama (@GMADrama) July 29, 2024
Watch party muna habang naka-break! Tutok na rin kayo, mga Kapuso! pic.twitter.com/fYc2esHUqu
Samantala, subaybayan sa free TV ang Pulang Araw, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Prime.
RELATED GALLERY: 'Pulang Araw' cast, ipinakilala sa isang enggrandeng media conference