GMA Logo Rabiya Mateo, Jeric Gonzales
PHOTO COURTESY: rabiyamateo, jericgonzales07 (Instagram)
What's on TV

Rabiya Mateo at Jeric Gonzales, hiwalay na nga ba?

By Dianne Mariano
Published September 25, 2024 12:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Impeach rumors vs Marcos ‘shapeless,’ says Adiong
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

Rabiya Mateo, Jeric Gonzales


Sa “May Pa-Presscon” segment ng 'TBATS', kinumusta ng hosts si Rabiya Mateo tungkol sa kanyang relationship status.

Nagsalita na ang Kapuso star at beauty queen na si Rabiya Mateo tungkol sa kanilang relasyon ni Jeric Gonzales sa recent episode ng The Boobay and Tekla Show.

Sa “May Pa-Presscon” segment ng programa, kinumusta ng hosts ang Miss Universe Philippines 2020 tungkol sa kanyang relationship status.

Hirit ni Rabiya, “Medyo taken. Charot.” Dagdag na tanong ng guest co-host na si Lexi Gonzales, “Paano 'yung medyo taken?”

“Depende sa topak ko sa araw na 'yon,” sagot ng Ilongga beauty.

Lahad naman ni Rabiya, "Hindi, actually, I'm still in a relationship.” Ito ay nilinaw ng morena beauty matapos mapansin ng netizens na hindi na nila fina-follow ni Jeric ang isa't isa sa Instagram."

Dagdag pa niya, “Ang bilis kasi ng mga marites. Alam mo naman tayo, Lexi [at] Gazini, kapag padating 'yung dalaw natin iba 'yung topak natin, iba 'yung init ng ulo natin. May day, it was a bad day, and then I blocked Jeric.

"Hindi ko naman ini-expect na mahahagilap agad 'yon. Ifa-follow ko na siya dapat din kasi nag-OK na kami that day, pero nakalimutan ko. E wala na, sumabog na."

Ayon pa kay Rabiya, si Jeric ang unang nagsabi sa kanya tungkol sa mga tsismis na umano'y hiwalay na sila.

"Si Jeric nga 'yung unang nagsabi sa akin kasi nalaman niya pa na na-block ko siya through social media. Sabi niya, 'Oh may issue kumakalat na hindi na raw kami'. Pero we were together that day tapos sabay din kaming lumipad ng country. Kakabalik lang namin from Taiwan," aniya.

Dagdag pa ng Kapuso beauty, walang katotohanan ang mga lumabas na kwento at blind items na hiwalay na sila ni Jeric.

"I know maraming kwento, maraming blind items na nangyayari, wala pong katotohanan po 'yon. I and Jeric we're okay," aniya.

Nang tanungin ni Lexi si Rabiya kung may pinagdadaan sila ng nobyo nito sa kanilang relasyon, sagot ng huli, "Wala namang perfect relationship. Kahit matagal na kami ni Jeric, nasa stage pa rin kami na may mga ugali 'yung bawat isa na ngayon pa lang namin nalalaman.

"We're still working on to complement each other at hindi pa naman kami naggi-give up. So I guess, it's still a good story," pagbabahagi niya.

Bukod dito, inihayag din ni Rabiya ang kanyang pasasalamat at pagmamahal sa kanyang boyfriend.

“Thank you for always keeping me grounded. Thank you for always reminding me that our relationship is so much more kung ano 'yung nakikita ng tao on social media, and I hope that we still get to forgive each other sa mga kasalanan na gagawin natin. You know that I always love you,” anang aktres.


Subaybayan ang The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo, 10:10 p.m., sa GMA at Kapuso Stream.