What's Hot

Rabiya Mateo at Jeric Gonzales, nirerespeto ang pagkakaiba nila sa relihiyon

By Marah Ruiz
Published April 14, 2022 10:51 AM PHT
Updated April 14, 2022 3:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Family clock cleaned in time for Rizal Day
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Rabiya Mateo at Jeric Gonzales


Nais daw ng "spiritual growth" nina Rabiya Mateo at Jeric Gonzales kahit magkaiba sila ng relihiyon.

Wala raw problema para sa kapwa Kapuso stars na sina beauty queen Rabiya Mateo at Jeric Gonzales ang pagkakaiba nila sa relihiyon.

Born Again Christian si Rabiya, habang Katoliko naman si Jeric. Nais daw nilang magkasamang i-observe ang Holy Week kahit na may pagkakaiba sila.

"Hindi lang siya din parang relationship na all about love. Gusto rin namin, we have spiritual growth. Kahit may differences kami when it comes to religion, we just make sure to meet in the middle and respect those differences," paliwanag ni Rabiya.

Jeric Gonzales and Rabiya Mateo


Samantala, ibinahagi naman ng iba pang Kapuso stars ang mga plano nila para sa Holy Week.

Si actress and dancer Rochelle Pangilinan, magbabakasyon kasama ang asawang si Arthur Solinap at anak nilang si Shiloh bago sumabak sa huling lock-in taping ng upcoming action adventure series na Lolong pagkatapos ng Holy Week

"Mag-spend lang kami ng isang gabi sa Batangas para naman maramdaman ng anak ko ang buhangin bilang medo maluwag-luwag tayo ngayon. Ilalabas namin siya and after that babalik na ulit kami sa bahay," kuwento niya.

Mananatili naman sa bahay ang aktor na si TonTon Gutierrez at kanyang pamilya.

"We'll just stay at home. Dito lang kami sa bahay ngayon, magdadasal-dasal at magfa-fasting," aniya.

Active naman sa simbahan tuwing Holy Week ang beteranang aktres na si Nova Villa bilang miyembro ng Mother Butler's Guild.

"The whole year, Jesus gave us all the blessings--trabaho, shooting, taping, saya, everything. Pagdating naman ng Holy Week, ibinibigay ko naman sa Panginoon. Kahit na puyat, kahit na antok antok na, bigay ko naman sa Kanya 'yung oras ko, 'yung effort ko, everythng. I'm happy to do it for God, for Jesus as a thanksgiving naman," bahagi niya.

Panoorin ang buong ulat ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras sa video sa itaas.