
Tuluy-tuloy lang ang therapy at training ni Kapuso actor Ruru Madrid matapos ma-injure sa set ng upcoming action-adventure series na Lolong.
Mabuti na ang kanyang kalagayan kaya naman nakatakda na rin siyang bumalik sa taping ng serye para tapusin ang mga nalalabing eksena para dito.
"Sanay na po talaga 'ko sa mga ganyan klaseng aksidente kasi I'm very active talaga. Nagmo-motocross ako. Nag-e-MMA ako. Talagang normal na siya sa akin kaya feeling ko pagbalik ko, mas ganado po ako niyan. But siyempre, kailangan ko na rin pong mag-ingat din this time," pahayag ni Ruru sa panayam ni Lhar Santiago para sa 24 Oras.
Magbabalik sa kanilang huling lock-in taping ang cast at crew ng Lolong pagkatapos ng Holy Week.
Image Source: rurumadrid8 (Instagram)
Una nang nilinaw ni GMA First Vice President for Public Affairs Nessa Valdellon na hindi maapektuhan ng injury ni Ruru at nakatakdang pilot date ng Lolong.
"We'll be back to taping very soon. He's okay. He's healing. Very soon we'll be back to taping. Last six days na lang [ng taping] so hindi maapektuhan 'yung schedule ng airing," pahayag Valdellon.
Nilinaw din niya na isang sprain at hindi fracture tulad ng unang napabalita ang natamong injury ng aktor.
"On the first set of x-rays, akala namin fracture because the doctor seems to have seen a fracture. Noong pumunta naman sa St. Luke's [Medical Center] for second opinion, hindi naman pala fracture. It's just a sprain. Thank God!" aniya.
Ang Lolong ay kuwento ng binatang si Lolong, role ni Ruru, na may kakaibang kakayanan na makipag-usap sa dambuhalang buwaya na si Dakila.
Bukod sa kay Ruru, bahagi din ng bigatin at star-studded cast sina Shaira Diaz, Arra San Agustin, Christopher de Leon, Jean Garcia, Bembol Roco, Malou de Guzman, Rochelle Pangilinan, Ian de Leon, Mikoy Morales, Paul Salas, DJ Durano, Marco Alcaraz, at Maui Taylor.
May special participation din sa serye sina Leandro Baldemor and Priscilla Almeda.
Abangan ang Lolong, dambuhalang adventure-serye sa Philippine primetime, soon on GMA Telebabad.
Samantala, silipin ang 45-day lock-in taping ng Lolong dito: