GMA Logo rabiya mateo on wish ko lang
What's Hot

Rabiya Mateo, bibida bilang ang palabang si Rita sa 'Wish Ko Lang'

By Aimee Anoc
Published November 24, 2021 7:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Basketball Tournament - December 5, 2025 | NCAA Season 101
#WilmaPH maintains strength east of Borongan City, E. Samar
Cloud Dancer is Pantone's 2025 Color of the Year

Article Inside Page


Showbiz News

rabiya mateo on wish ko lang


Abangan ang kauna-unahang lead role ni Rabiya Mateo sa Sabado sa 'Wish Ko Lang.'

Excited na si bagong Kapuso Rabiya Mateo para sa kanyang kauna-unahang lead role sa "Magkaibigan" episode ng bagong Wish Ko Lang sa Sabado, November 27.

Mula sa pagiging isang beauty queen, masaya si Rabiya na tuklasin ang iba pang talento bilang isang Kapuso.

"After Miss Universe Philippines, I've been asking myself, 'What's next? What am I going to do? Babalik na ba ako sa pagiging isang Physical Therapist?'

"But I'm just happy that the people in GMA did see my potential as an actress, as a host, and I'm excited sa mga parating na projects," pagbabahagi ni Rabiya sa kanyang contract signing sa GMA Network noong November 18.

Sa "Magkaibigan" episode ng bagong Wish Ko Lang, gagampanan ni Rabiya ang sweet at palabang karakter ni Rita, ang matalik na kaibigan ni Mariel (Kim Rodriguez).

Makakasama niya rin dito sina Kim Rodriguez, Jeric Gonzales, Joyang, Sue Prado, at Lovely Rivero.

Huwag palampasin ang "Magkaibigan" episode ng bagong Wish Ko Lang ngayong Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang bagong Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, bisitahin ang www.gmapinoytv.com

Samantala, mas kilalanin pa si Kapuso actress Rabiya Mateo sa gallery na ito: