
Naging mas makulay ang dalawang beauty pageants sa Sarangani at Tacloban City noong June 19 at 21. Hindi lang dahil sa mga sumaling magagandang kandidata, kung hindi pati na rin sa mga ilang Sparkle stars na dumalo sa mga gabing iyon.
Sa Mutya ng Malapatan 2024 ng Sarangani, naghandog ng saya ang mga Sparkle star na sina Rabiya Mateo at EA Guzman bilang host ng pageant.
Kinilig din ang audience at ang beauty queens nang naharana sila ng Kapuso star na si Rocco Nacino.
Sa kanilang panayam kasama ang GMA Regional TV, labis ang tuwa ng tatlong Sparkle stars na nakasama sila sa event. Super grateful din sila na makatanggap ng mainit na salubong mula sa mga Kapuso.
"Napakasaya and grabe 'yung init na pagtanggap ng mga Malapateño sa aming mga Kapuso artist dito sa Malapatan," sabi ni EA.
Para naman kay Rabiya, "Bitin po kami sa oras na nandito kami sa Malapatan. We wish na it could be extended kasi first we enjoyed the food tapos 'yung warmth po ng mga tao."
Masaya naman si Rocco na makita ang kanilang Kapuso fans sa Sarangani.
Aniya, "Very warm ang mga Kapuso natin dito sa Malapatan at it's very nice to see na ang mga Kapuso natin ay nae-extend hanggang dito sa Sarangani province."
Sa Tacloban city, nagningning din ang kanilang beauty pageant na Miss Tacloban 2024, isa sa highlights ng kanilang Sangyaw Festival.
For the second time, host ng event ang Sparkle star at sportscaster na si Martin Javier. Naghandog din ng harana ang Abot-Kamay na Pangarap actor na si John Vic De Guzman, kung saan bumaba pa ng stage para mas makilala ang kanilang Kapuso fans.
Sa kanilang interview, proud at masaya na makita ni Martin ang mga kandidata na abutin ang kanilang pangarap sa event.
"It's been an awesome experience, back-to-back year, seeing all of these ladies go through of course this journey," pahayag ni Martin.
Dagdag naman ni John Vic, labis ang kaniyang pasasalamat sa mainit na pagtanggap ng mga Kapuso sa kanila.
"Maraming maraming salamat sa pag-init na pagtanggap n'yo po sa akin at sa lahat ng Kapusong kasama ko. Looking forward soon na makapag perform ako ulit," sabi niya.
SAMANTALA, TINGNAN ANG ILANG PHOTOS NG PAGDALO NG KAPUSO STARS SA PAKARADYAN FESTIVAL SA SARANGANI