
Talaga namang nakatutuwa ang makulit na tandem nina Rabiya Mateo at Sienna Stevens sa murder mystery drama na Royal Blood.
Kitang-kita ang closeness ni Rabiya sa kanyang inaanak sa serye sa ilang behind-the-scenes photos na ibinahagi nito sa Instagram.
Sa Royal Blood, napapanood si Rabiya bilang Tasha, kapitbahay na may crush kay Napoy (Dingdong Dantes). Si Tasha na rin ang tumatayong ina at tagapag-alaga ng anak ni Napoy na si Lizzie, na ginagampanan naman ni Sienna.
Komento ng ilang fans sa cute na tandem na ito nina Rabiya at Sienna, "Ninang Tasha soon to be Nanay Tasha," "ang cute niyo ni Sienna," "Magkamukha kayong dalawa."
Bukod kay Sienna, malapit din ang role ni Rabiya sa pinagbibidahang karakter ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.
Sa interview kay Cata Tibayan ng 24 Oras, inilarawan ni Rabiya ang karakter na pinagbibidahan sa Royal Blood.
"Not so secret ni Tasha is in love na in love talaga siya kay Napoy. Pero titingnan natin kung 'yung love na ito ba, would it make her a good person or baka papunta na siya sa obsession."
Kuwento pa ni Rabiya, aminado siya na na-starstruck kay Dingdong. "Noong first day pa lang namin ni Kuya Dong, parang hindi ako makatingin sa kanya ten seconds. Siguro kasi lumaki ako watching him. And now working with him as love interest pa, nakakapanibago kasi parang napa-fangirl ka."
Patuloy na subaybayan ang Royal Blood, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.
Mapapanood din ang Royal Blood sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (10:50 p.m.), at naka-livestream din sa GMANetwork.com.
SILIPIN ANG ILANG KULITAN MOMENTS NG CAST NG ROYAL BLOOD SA GALLERY NA ITO: