
Isang pribilehiyo para kay Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang mapabilang sa cast ng pinakamalaking suspenserye ng GMA, ang Royal Blood.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na bibida si Dingdong sa isang murder-mystery series.
"Alam mo, kung binigyan ka ng ganitong klaseng original concept ng napakagaling na creative team ng GMA at ganito kagaling na cast, sino bang hihindi? Isang pribilehiyo para sa akin, isang napakagandang experience--magmula nu'ng umpisa at alam kong mangyayari hanggang dulo," sabi ni Dingdong sa naganap na grand media conference ng Royal Blood.
Naniniwala ang aktor na nabuo ang isang "nakapa-compelling, napakapuno, at napakabuong" kuwento ng Royal Blood "at the right time."
Kuwento niya, "Matagal na kasi talaga dapat siyang naumpisahan kaya nagkaroon ng perfect and tamang concept at the right time, and I think ito 'yun. Kaya very smooth ang lahat ng nangyari up to production."
Sa Royal Blood, makikilala si Dingdong bilang Napoy, illegitimate son ng business tycoon na si Gustavo Royales (Tirso Cruz III) at isang mapagmahal na single father sa anak na si Lizzie (Sienna Stevens). Nagsisikap siyang maibigay ang pangangailangan ng anak sa pagtatrabaho bilang isang motorcycle rider. Naging kumplikado ang lahat kay Napoy nang maging prime suspect sa pagkamatay ng ama.
Makakasama ni Dingdong sa Royal Blood sina Megan Young, Mikael Daez, Dion Ignacio, Lianne Valentin, Rabiya Mateo, at Rhian Ramos. Sa natatanging pagganap ni Tirso Cruz III, kasama rin sina Ces Quesada, Benjie Paras, Carmen Soriano, Arthur Solinap, James Graham, Aidan Veneracion, Princess Aliyah, at Sienna Stevens.
Huwag palampasin ang world premiere ng Royal Blood ngayong June 19, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.
Mapapanood din ang Royal Blood sa Pinoy Hits, GTV (10:50 p.m.), at naka-livestream din sa GMANetwork.com.
Panoorin ang full trailer ng Royal Blood sa video na ito:
KILALANIN ANG CAST NG ROYAL BLOOD SA GALLERY NA ITO: