GMA Logo Rabiya Mateo Laswa Recipe
Source: Unang Hirit (Facebook)
What's Hot

Rabiya Mateo's Laswa recipe, ipinatikim sa 'Unang Hirit'

By Jimboy Napoles
Published September 22, 2022 5:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ilang aso, nakaranas ng kalupitan
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Rabiya Mateo Laswa Recipe


Nakatikim ka na ba ng Laswa? Ang sikat na Ilonggo dish na ito, niluto ni Rabiya Matero sa 'Unang Hirit.'

Masustansya ang naging almusal ng maraming Kapuso viewers sa inihandang pagkain ng beauty queen at TiktoClock host na si Rabiya Mateo sa Unang Hirit.

Sa episode ng flagship morning show ng GMA ngayong Huwebes, September 22, nagluto si Rabiya ng special Ilonggo dish na Laswa kasama ang host na si Lyn Ching-Pascual.

Kuwento ni Rabiya, paborito itong lutuin ng kanyang ina noong sila ay nasa Iloilo pa at nagsisimula pa lamang umunlad ang kanilang buhay dahil simple lamang ang sangkap nito gaya ng sari-saring gulay at daing na isda.

Aniya, "Alam niyo Miss, dati kasi galing kami sa hirap 'no, ito kasi talaga 'yung pagkain ng mga mahihirap sa Iloilo, I'm gonna be honest. Tapos ngayong nasa Manila na [ako], puro fast food na, ako parang mas nami-miss ko ito [kainin] kasi it reminds me of my childhood."

Para naman sa ingredients at recipe ng Laswa, panoorin ang naging cooking demo ni Rabiya sa video sa ibaba.

Manood ng Unang Hirit, Lunes hanggang Biyernes, 5:30 ng umaga sa GMA.

KILALANIN NAMAN ANG BEAUTY QUEEN TURNED KAPUSO STAR NA SI RABIYA MATEO SA GALLERY NA ITO: