
Hindi lang puro aksyon ang katatapos lang na episode ng Voltes V: Legacy kung saan panalo ang ultraelectromagnetic mecha na si Voltes V kontra sa Boazanian beastfighter na si Dokuagaga.
Matapos ang iconic battle ng dalawang giant robots, sinalubong sina Steve, Big Bert, at Little Jon ng mahigpit na yakap mula sa kanilang ina na si Mary Ann.
Nag-iyakan naman ang mag-amang sina Commander Robinson at Jamie.
Pero walang sumalubong kay Mark na magulang.
Bakas sa mukha ni Mark ang lungkot pero buti na lang naroon si Dr. Richard Smith para batiin ang batang bayani.
Bumuhos naman ang emosyon sa online world dahil sa tagpong ito.
"Kawawa naman si Mark walang magulang na nagsalubong sa kanya at sabihan siya na proud sila sa kanya. Buti nalang Prof. Smith steps in ang give him a path in the back. Sa OG kasi namatay tatay ni Mark dahil sa sakit at nanay niya na sinakripisyo sarili niya dahil may mga wolves na umaaligid sa kanila," bahagi ng Facebook user na si John Vincent Dy Ocampo.
Hindi na nakapagsalita si Mark dahil sa lungkot, pero napalitan naman ito ng ngiti nang akbayan at purihin siya ni Dr. Smith.
Ayon sa obserbasyon ng Voltes V: Legacy viewer na si Joeben Belo Jacutina, naipakita ni Radson Flores, ang aktor na gumaganap bilang Mark Gordon, ang tamang emosyon kahit hindi siya nagsalita sa eksena.
Aniya, "ganda ng dialogue shot dito. na emphasize yung moment ng mga character. direct to point ang mga dialogue. hindi mahaba pero malalim. yung dialogue shot lalo na kay mark. na point out emotion na hinihingi sa scene dahil sa camera shots and movements. silence is a form of dialogue talaga eh. kasi sa screen, hindi lahat kailangan sabihin. dahil may camera naman na ipapakita yung emotion ng actor."
Nakakuha naman ng simpatiya mula sa mga manonood si Mark na ulila sa magulang.
May ilan din ang naka-relate sa sitwasyon ng binata.
Subaybayan ang Voltes V: Legacy Lunes hanggang Biyernes, alas otso ng gabi sa GMA Telebabad, GTV, I Heart Movies, at Pinoy Hits.
Maaari rin itong mapanood online kasabay ng pag-ere sa TV via Kapuso Stream.
Magiging available naman ang full episodes at episodic highlights ng Voltes V: Legacy sa GMANetwork.com at sa iba pang GMA owned and operated online platforms.
BALIKAN ANG LABAN NINA VOLTES V AT DOKUGAGA SA GALLERY NA ITO: