
Agad na tinanggap ni Rafael Rosell ang role sa upcoming afternoon series na Forever Young.
Sa Forever Young, makikilala si Rafael bilang Albert Vergara, anak ni Esmeralda, na gagampanan naman ng beteranang aktres na si Eula Valdes.
"When I was going to portray Albert, I was immediately up for it. Nakita ko 'yung characteristics n'ya na kaya kong i-portray and very loving 'yung character n'ya. Immediately, I said game," sabi ni Rafael sa exclusive interview ng GMANetwork.com.
"Si Albert Vergara ay anak ni Esmeralda, na namumuno sa bayan ng Corazon kung saan nagaganap ang istorya ng Forever Young," dagdag niya.
Ikinuwento rin ni Rafael ang unang reaksyon nang mabasa niya ang kuwento ng Forever Young. Aniya, na-curious siya sa kakaibang kondisyon ni Rambo na mayroong panhypopituitarism.
Tampok sa Forever Young ang kuwento ni Rambo, isang 25-year-old na na-trap sa katawan ng isang 10-year-old dahil sa rare medical condition na panhypopituitarism kung saan naapektuhan ang paglaki nito.
"It's a very interesting disorder kasi depende 'yon sa position na makukuha mo sa buhay. Kasi syempre lahat naman tayo binabase natin sa kung ano 'yung nakikita natin. So, kapag naging isang lider ang isang taong may ganoong klaseng kondisyon, syempre, naroon 'yung question na makikinig ba 'yung mga tao sa kanya, may kredibilidad ba s'ya," paliwanag ni Rafael sa karakter ni Rambo, na pagbibidahan ng award-winning child actor na si Euwenn Mikaell.
Ipinarating din ni Rafael ang paghanga niya kay Euwenn bilang isang batang aktor.
"The first time I saw him after nag-perform siya sa Firefly, 'Wow!' Iba siya, iba 'yung pagsasalita niya. I think, the way he speaks very powerful skills 'yan para roon sa magiging role niya sa Forever Young. I can't help but become a fan."
Bukod kay Euwenn, makakasama rin ni Rafael Rosell sa Forever Young sina Michael De Mesa, Eula Valdes, Nadine Samonte, Alfred Vargas, Althea Ablan, Princess Aliyah, Bryce Eusebio, James Blanco, Yasser Marta, Matt Lozano, at Abdul Raman.
Abangan ang Forever Young, simula October 21, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
TINGNAN ANG NAGANAP NA STORY CONFERENCE NG FOREVER YOUNG SA GALLERY NA ITO: