
May bagong task sina Will Ashley at River Joseph sa collaboration project ng GMA at ABS-CBN project na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Ang task ay tinawag ni Big Brother na The Big Taguan, at ito ay may kaugnayan sa pagbabalik ng ex-housemate na si Ralph De Leon.
Mensahe ni Kuya kina Will at River, “Housemates, para sa inyong 11th weekly task na tatawagin kong The Big Taguan ay may dalawang bagay na itatago ang boys mula sa girls buong Linggo.”
Hinding-hindi nila dapat madiskubre ang tungkol dito. Malalaman n'yo na 'yun ang bagay na dapat n'yong itago kapag nakita n'yo ang pulang ribbon.
Kasunod nito, ipinasilip ni Kuya sa viewers ang nakatutuwang reaksyon Will nang makita niya si Ralph sa loob ng cabinet sa kanilang kwarto.
Magtagumpay kaya ang naatasang housemates sa kanilang task tungkol kay Ralph?
Related gallery: Kapuso, Kapamilya housemates of Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
Abangan ang susunod na mga kaganapan at sorpresa ni Kuya sa Kapuso at Kapamilya housemates.
Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:05 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.