
Ramdam na ramdam na ang excitement ng fans at maraming Pinoy viewers sa upcoming film nina Will Ashley, Bianca De Vera, at Dustin Yu.
Related content: WillCa, DustBia's upcoming movie, excites fans; trends online
Mapapanood sina Will, Bianca, at Dustin sa Love You So Bad, ang first-ever film na kanilang pagsasamahan na opisyal nang kabilang sa Metro Manila Film Festival ngayong taon.
Makakasama rin nila sa pelikula ang kanilang ex-housemates sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition na sina Ralph De Leon at Xyriel Manabat.
Bukod sa Star Magic artists na sina Ralph at Xyriel, mapapanood din dito bilang supporting actress si Nour Hooshmand.
Sa poster na inilabas ng Metro Manila Film Festival sa Facebook, mababasa ang kanilang pangalan at iba pang detalye tungkol sa pelikula.
Tampok sa upcoming film ang tambalan nina Will at Bianca, at Dustin at Bianca na kilalang-kilala ngayon bilang WillCa/WillBi at DusBia/DusBi.
Matatandaang mabilis na nag-viral sa X ang WillCatch the Big Screen at Love Wins with DustBia kasunod ng big announcement tungkol sa palabas.
Ang romance drama film na ito ay collaboration ng GMA Pictures, Star Cinema, at Regal Films.
Abangan at subaybayan ang susunod pang updates tungkol sa upcoming film nina Will, Bianca, at Dustin na Love You So Bad.