
Naghatid ng good vibes at saya ang Sparkle child actor na si Raphael Landicho at content creator-actor na si Christian Antolin sa kanilang bagong dance video.
Sa video na inilabas ng GMA Network sa social media, makikita ang paghataw ng My Guardian Alien actors sa hit song na “Pantropiko” ng Nation's Girl Group na BINI.
Related gallery: Get to know the Nation's Girl Group BINI
“Oh shux, nandito na ang 'Pang Tropa Ko' duo!” sulat sa caption.
Bukod dito, nag-donate sina Raphael at Christian, kasama ang kanilang My Guardian Alien co-stars na sina Gabby Eigenmann at Arnold Reyes, ng ilang kopya ng childrens' book na “Si Gren, Ang Kaibigan Kong Alien” sa Book Nook ng isang mall sa Taguig City kamakailan.
Natutuwa ang batikang aktor na si Gabby Eigenmann dahil sa ganitong paraan ay mahihikayat nila ang kabataan na muling magbasa ng mga libro.
“For me, I believe that books are not yet dead, kumbaga. Kasi the technology now, halos lahat ng mga bata nasa iPad. Kahit sa school e, laptops are being used more often now, e. But ito, it's always nice for kids growing up na maka-experience pa rin na this is how you turn a page, not swiping it,” kuwento niya sa “Chika Minute” report ni Lhar Santiago para sa 24 Oras.
Subaybayan ang My Guardian Alien tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime, Pinoy Hits, at Kapuso Stream. Mapapanood din ang programa sa GTV sa oras na 10:30 p.m.