
Nagpakitang gilas ang child actor na si Raphael Landicho sa kanyang unang sabak sa training para sa kanyang fight scenes sa inaabagangang Voltes V: Legacy.
Sa videong ipinost niya sa Instagram noong May 31, ipinakita niya ang kanyang acrobatic martial arts kick at cartwheel. Kasama niya sa video ang kanyang coach na si Jori Villaraza ng Tag Team Stunts na nag-train din sa kapwa niya Voltes V: Legacy stars.
"Not bad for my 1st Day of training," sulat ni Raphael caption.
Napahanga naman si Larson Chan, ang operations manager ng Telesuccess Productions, Inc., ang Philippine licensing agent ng Japanese production company na Toei na nag-produce sa Voltes V.
Gagampanan ni Raphael ang karakter na Little John sa Voltes V: Legacy.
Si Little Jon ang teen genius ng Voltes 5 team at ang piloto o kumokontrol ng Volt Frigate o legs ng Voltes V.
Ang Voltes V: Legacy ay ipo-produce ng GMA Entertainment Group, sa ilalim ng panulat ni Suzette Doctolero at sa direksyon ni Mark Reyes.
Lahat ng mga materyal na gagamitin para sa programa ay inaprubahan ng Toei Company at Telesuccess Productions, Inc.
Samantala, narito ang kumpletong listahan ng mga artistang kabilang sa highly-anticipated Kapuso series: