GMA Logo Raquel Monteza kontrabida
What's Hot

Raquel Monteza, ilang beses na inaway ng fans dahil sa kontrabida roles

By Kristine Kang
Published October 16, 2024 2:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Raquel Monteza kontrabida


Raquel Monteza sa mga nadalang fans sa kanyang kontrabida roles: 'Anyway, thank you pa rin kasi it means effective.'

Isa sa mga kilalang artista sa showbusiness ang beteranang aktres na si Raquel Monteza. Dahil sa kanyang mahusay na pag-arte sa iba't ibang drama at pelikula, marami ang humahanga at naaliw sa mga karakter na kanyang ginampanan. Isa sa mga tanyag na karakter na binigyan niya ng buhay ay ang mapagmahal na lola na si Mildred sa GMA drama series na Kambal, Karibal (2017).

Bilang isang aktres, hindi lamang siya nakilala sa mga mababait at bidang karakter. Kilala rin si Raquel sa kanyang husay sa pagganap bilang mataray at nakakatakot na kontrabida. Sa sobrang galing niya sa pag-arte, maraming netizens ang nainis at tumangkilik sa kanyang mga pagganap. May mga pagkakataon pa ngang ang ilan ay tila nadadala sa kuwento at nagalit kay Raquel sa tunay na buhay.

Sa isang panayam kasama si Morly Alinio, inamin ni Raquel na naranasan niyang masaktan o mabintang ng mga manonood dahil sa kanyang kontrabida roles.

"Oo marami na. Ilang beses na," pag-amin ni Raquel.

"Isang tao hindi ko na sasabihin kung sino, galit na galit s'ya sa akin. Hindi naman n'ya ako kilala in person. Sinabi n'ya, 'Ay! Ayoko sa taong niyan napaka ano 'yan. Inaapi niya si ano, si ganiyan,' " dagdag pa niya.

Ngunit nang makilala siya sa totoong buhay, napagtanto ng taong iyon ang pagkakaiba ng ugali ng aktres sa kanyang kontrabidang karakter.

"Tapos nang na-meet n'ya ako sabi n'ya, 'Oh my God! I'm sorry... Alam mo ba gusto kitang tusukin ng stick ng fishball kasi inaway mo si ganito, sinabunutan mo si ganiyan.'," masayang ikinuwento ni Raquel.

Sa huli, tinawanan na lang ng aktres ang komento ng netizen at nagpasalamat pa ito. Aniya, "Anyway, thank you pa rin kasi it means effective. Nagmarka sa 'yo 'yung role ko."

Inamin ni Raquel na mas mahirap maging isang kontrabida kaysa sa pagiging bida. Bukod sa inaaway siya ng fans, mas mabigat ang emosyon na dapat niyang ipakita dahil ang kanyang mga karakter ay kadalasang puno ng galit at katarayan.

"Sa totoo lang mahirap magkontrabida, masakit sa dibdib. Hindi katulad ng kapag bida ka 'yung mga acting mo subdued. Kapag kotrabida ka talagang you have to raise your voice, kailangan ipakita mo na mataray ka talaga which is hindi naman ako mataray," paliwanag niya.

May mga pagkakataon pa nga na hindi niya namamalayan na nadadala niya ang kanyang karakter sa kanilang bahay. Dahil sa pasigaw o pagalit na tono ng kanyang boses, minsan sinisita na siya ng kanyang anak sa bahay.

Samantala, tingnan ang iconic kontrabida roles ng Kapuso stars sa gallery na ito: